Chapter 12

4.9K 247 20
                                    

***

BRIGHT

"Malapit na tayo," Haze declared. Napatingin naman ako sa paligid at pansin ko ang nagtataasang puno ng niyog. When we reach the gate, sinalubong kami ng guard.

Haze rolled down the window and smiled.

"Uy! Ikaw pala yan Sir Haze! Sige po, pasok na po kayo." Sinenyasan ng guard na kausap ni Haze ang kasama para buksan nang tuluyan ang gate.

"Excited na ako!" Napatingin kami kay Peir nang sumigaw.

"Picture muna tayo. Ikaw magtake Clar," sabi ni Peir at inabot ang cellphone. Tinanggap naman 'yon ni Clara na natatawa at saka ipinasaere.

"Sige. One, two, three, smile!" Clara pressed the capture button. They took another pictures at wacky naman 'yon.

Si Haze naman ay tumatawa lang habang pinapaikot na ang kotse papunta sa parking. Walang sabi-sabi namang lumabas si Peir at Gwen at tumakbo papunta sa may signage at nagpicture. Natawa naman kami.

"Luis, tawagin mo muna 'yong dalawa para makuha na nila ang mga gamit nila," utos naman ni Clara.

Nang makabalik ang tatlo ay kanya-kanya na sila ng hakot ng kanilang mga dalang gamit. Nakasunod naman ako kina Clara at Haze na siyang nauna. Palingun-lingon pa ako sa paligid para tignan ang kabuuan ng resort. The resort is pretty good. Maaliwalas ang paligid.

Nang makarating sa loob ng hotel ay dumeretso na agad kami sa magiging kwarto.

Pumasok na kami sa elevator and Haze pressed the floor button number three.

"Ang ganda pala ng resort niyo, Haze. Hindi mo naman sinabi na may ganito pala kayo. Parang gusto ko tuloy na tumambay rito," bulalas ni Peir na sobrang natutuwa.

"Buti naman at nagustuhan mo."

"Syempre naman!" sagot ni Peir.

"Sige, iiwan ka na lang namin dito, gusto mo 'yon?" sabat naman ni Gwen.

Lumingon si Peir at umirap. Sakto namang bumukas na ang elevator. Padabog siyang lumabas.

"Hoy! Alam mo ba saan ka pupunta?" sigaw ni Gwen. Peir stopped at masama ang tingin nang lumingon.

Ang kulit nila.

"Para kang baliw, Peir," sabat naman ni Luis.

"Tse! Wag mo akong kausapin!"

Napailing na lang ako habang nakasunod pa rin sa dalawa.

Huminto sila kaya napahinto rin kaming nakasunod.

Humarap si Haze. "Sino gusto sa kwarto na 'to? Pangtatluhan 'to."

Agad naman na nagtaas ng kamay si Peir. "Sa amin na 'to. Dito na lang kami. At saka, I'm fine with Luis naman kasi alam ko namang hindi kami talo," sabi niya at nagtaas pa ng kilay. Lumaki ang mata ni Luis. "Anong pinagsasabi mo? Ako bakla? Psh. Halikan kita diyan, e!"

"As if!"

"Aba, gusto mo talaga akong subukan?"

Natatawa namin silang iniwan doon. Lumingon pa ulit ako sa kanila at bigla akong napailing. Baka magkatuluyan na talaga sila niyan. Bangayan nang bangayan.

"Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan 'yong dalawa." Napalingon ako nang marinig si Clara.

"Obvious sobra, Clar. I know that Luis has a crush on Peir. Ayaw pang aminin kahit sobrang obvious na," sagot naman ni Gwen sa kanya. Taman naman na obvious talaga masyado si Luis.

Huminto si Haze sa isa pang pinto. "Dito ang sa atin, Clar."

Humarap si Clara kay Gwen. "Sige na, Gwen. Kita na lang tayo sa baba."

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now