Chapter 3

7.9K 348 44
                                    

***

CLARA

"Huwag mo na ako sunduin mamaya, Haze," sabi ko pagkapasok sa passenger seat. Tinignan ko si Bright sa rearview mirror bago binalik kay Haze ang tingin.

"Bakit?" he asked. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya sa ngayon. But I will soon.

"May lakad ako. Importante lang," simpleng sagot ko sa kan'ya. Tumitig siya sa akin nang bahagya bago tumango at pinaandar ang sasakyan. Sa daan, hindi ko maiwasang mapaisip nang malalim. Kung papaano ko tutulungan nito si Bright.

"May problema ba?" tanong ni Haze. Tinapunan ko siya ng tingin. Ngumiti ako at pinakitang okay lang ako.

"Wala naman. May iniisip lang," sagot ko, nakangiti pa rin.

Pansin ko ang nag-aalala niyang mukha. Inabot ko ang isa niyang kamay at hinawakan iyon. I don't want him to worry about me.

"Don't worry. School works lang 'tong iniisip ko," I assured him.

He nodded and smiled. "Huwag kang masyadong magpapagod, Clar. Take a break sometimes, okay?" Tumango lang ako sa kanya suot ang isang magaang ngiti to really assure him that it was nothing for to worry about.

Nang makarating sa university, humalik lang ako sa pisngi niya at nagpaalam.

"Kita na lang ulit tayo bukas," nakangiti kong saad.

He pouted. "Hindi mo ako sasamahan mamaya sa lunch?" umaasang tanong niya.

Nag-isip muna ako saglit habang suot ang mapaglarong ngiti sa labi.

"What about no?" panuya ko.

Sumimangot siya kaya kinurot ko ang magkabila niyang pisngi at ngumiti.

"Oo na po. Kita na lang tayo mayang lunch. Sige na. Mauna ka na baka malate ka pa," pagpapalayas ko sa kanya. He planted a soft kiss on my forehead at ginulo ang buhok ko bago siya tumakbo papasok sa gate. Natawa akong napapailing.

"You guys are so sweet." Nilingon ko si Bright nang magsalita siya at saka nginitian nang pagkalapad-lapad bago inaya na rin papasok. "Tara na."

Nauna na akong maglakad papasok at nakasunod lang siya sa akin. Pagkarating sa room, hinanap ko kaagad ang tatlo. Busy sila sa pag-uusap. Napabaling naman sila sa akin nang maglagay ako ng upuan sa pagitan nila.

"Ano pinag-uusapan niyo?" usyoso ko. Lumingon ako kay Gwen.

"Nga pala, 'yong pinaresearch ko sa'yo?" tanong niya. Iyon talaga agad ang hiningi sa akin, e. Pwede namang mamaya na lang. Busangot kong kinuha sa bag ang papel at nilapag sa palad niya ang mga naresearch ko. Nang mabaling ako sa dalawa, napatawa ako kasi may pangiti-ngiti pa sila sa isa't isa habang nag-uusap. Mabilis na kinuha ko ang cellphone at saka sila pinicturan. Ganoon din ang ginawa ni Gwen, pinicturan niya rin ang dalawa.

"Guys, look," tawag ko kina Luis at Peir sabay pakita ng litrato kung saan nakangiti silang pareho na para bang magkasintahan. Nanlaki ang mata ni Peir. Humalkhak agad ako nang makita ang epic face reaction niya.

"Delete that, Clara!" sigaw niya.

Umiling ako. "Ayoko nga! Ang saya niyo kayang tignan dito! Tignan mo oh, ang sweet niyo. Bagay kayo."

Si Luis naman ay nakatingin lang sa akin na parang wala lang. Oh, well... baka gusto niya rin naman. I'll wait na humingi siya ng kopya sa akin ng litrato nila. I'm sure na masaya 'yan deep inside. Dumating na rin ang subject professor namin kaya umayos na kami ng upo at sumeryoso na. From time to time, sumesenyas si Peir sa akin na i-delete ko raw ang picture pero sorry siya. Hindi ko iyon idedelete.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon