Chapter 22

3.9K 185 18
                                    

***

CLARA

Naibaba ko ang cellphone ko. Nanginig ang buo kong katawan. Tears start flowing like a river. My heart clenched in pain.

Matagal akong nakatayo bago nagmadaling tumakbo pababa ng kwarto. Puno ng mga luha ang mata ko.

Ni hindi ko alam kung paano ako nakasakay, pero papunta na akong hospital ngayon. Sa loob ng taxi, iyak lang ako nang iyak. What I can only do is cry. Ni hindi ko na pinansin ang magiging reaction ng driver basta umiyak lang ako nang umiyak.

When I arrived at the hospital, tila parang nag-slow motion ang paligid. Ang galaw ng mga tao, ang takbo ng mga sasakyan, ang tibok ng puso ko. Parang ayokong pumasok. Parang ayoko siyang makita.

But I have no choice. I have to face this day. I have to face the happenings today.

Pagkapasok ko sa loob ay nagtanong agad ako at nang masabi sa akin kung nasaan si Haze ay tumakbo agad ako. Pagkarating sa operating room, nanghina na lang ako na napaupo sa bench sa labas.

Nanginginig ang kamay, I dialed Tita's number. Kagat-kagat ang labi, I tried to stop myself from crying.

"Oh, napatawag ka Clar?"

Tuluy-tuloy lang ang daloy ng luha ko.

"Si H—Haze..." tumigil ako para habulin ang hininga ko na sanhi nang tuluy-tuloy kong pag-iyak.

"Umiiyak ka ba?" para namang nataranta si Tita. I closed my eyes and another bunch of tears rolled down from my eyes when I opened it.

"N—Naaksidente si H—Haze..."

Tumahimik ang linya hanggang sa marinig ko ang pagkagulat niya. She asked for the hospital at agad ko namang sinabi.

Pagkababa ng tawag, tuloy lang ang pag-iyak ko habang naghihintay. Nakasalikop ang mga palad. I am hoping. Hinihiling ko na okay lang siya. Hinihiling ko na magiging okay siya. Kahit 'yon na lang. Kahit ang kalagayan niya lang. Kahit na huwag na ang kasiyahan ko.

Nang dumating si Tita, niyakap ko kaagad siya at doon ako humagulhol nang sobra. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili.

"A—Anong nangyari sa anak ko?" utal-utal na tanong ni Tita, voice started cracking.

Hanggang sa tuluyan na ring humagulhol si Tita. We're crying while hugging each other.

"He will be fine, T—Tita..." pag-alo ko kay Tita matapos ang matagal na pag-iyak. Kumawala ako sa yakap niya at pinunasan ko ang mukha ko.

Inalalayan ko naman siyang maupo habang naghihintay kami sa doctor na lumabas. Tumingala ako sa itaas ng pinto ng operating room. Kulay pula pa rin, ibig sabihin, hindi pa sila tapos sa operation. Ilang oras na rin ang lumipas.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay. Hindi na ako umiyak pero ang bigat-bigat pa rin ng kalooban ko.

Kalaunan ay dumating na rin si Tito at niyakap kaagad siya ni Tita at nagsimula na namang umiyak. Nag-iwas na lang ako at tinuon sa cellphone ang pansin.

I opened it and visit our conversation. While reading it, nagtubig na naman ang mga mata ko. Marahas kong pinunasan iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari.

Nang makita kong nag-green na ang ibabaw ng pinto, tumayo na ako, Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor.

Kinabahan agad ako. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ng doctor. Hindi pa ako handa kung sakali. I don't want him to leave yet. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Marami pang mithiin si Haze. He just can't leave us... he just can't leave me alone.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang