Chapter 30

5.1K 226 52
                                    

FINAL CHAPTER

BRIGHT

Unti-unti kong itinaas ang kaliwang kamay ko. Unti-unti kong nilapit sa mukha ni Haze.

Kaunting agwat na lang. Mahahawakan ko na siya.

Hanggang sa lumapat na nga ang kamay ko sa pisngi niya. I caressed it. Tumulo naman agad ang mga luha sa mata ko sa saya. Finally! Nahahawakan ko na talaga siya. Kumunot naman ang noo ni Haze at marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata.

I smiled at him. Titig na titig naman siya sa akin. Nagtataka sa nangyayari.

"I—I can now touch you..." I mumbled so happily.

Unti-unti niyang nilapit ang kamay niya para hawakan ako sa mukha hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang kamay na lumapat sa pisngi ko. Mas lalo lang na bumigay ang mga luha ko. I've been waiting for this moment. That I can finally touch him. Hold him.

"Paanong..." hindi makapaniwalang sambit niya. Mabilis siyang bumangon at humarap sa akin.

"N—Nahahawakan na ba talaga kita?" natawa naman ako kasi dalawang kamay na niya ang nakahawak sa pisngi ko.

Inabot ko rin ang kamay niya na nasa pisngi ko, hinawakan at hinaplos iyon.

"Yes, Haze. Nahahawakan mo na ako..." masayang saad ko.

At sa bilis ng pangyayari, nasa bisig na niya ako ngayon. Ramdam ko ang init ng yakap niya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iyak niya sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita, Bright..." bulong niya. Napaiyak naman ulit ako pero this time, hinayaan ko lang ang mga luha kong magsitulo. Umiiyak ako hindi dahil nasasaktan ako. Umiiyak ako kasi sobrang saya ko. Sobrang saya ko sa nangyayari.

Matagal ang nagawa naming yakap at nang bumitaw siya, siya na mismo ang nagpunasa sa luha sa pisngi ko.

"I can't believe this, Bright," nakangiting sambit niya.

His stares then became intent. Nasa pisngi ko pa rin ang kamay niya, caressing it gently while staring at me still. Lumunok ako nang lumunok siya.

Anong iniisip niya?

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya, too close that I can already feel his breathing. Sa hindi malamang dahilan, naipikit ko na lang ang mga mata ko, it's as if I know already what will happen until I felt a soft thing touched my lips.

His kiss were so gentle. Kinawit ko naman ang kamay ko sa leeg niya. Ginawa ko ang ginawa niya to deepen the kiss. I opened my mouth and he nibble my lower lip and I did the same thing to his. Our kiss was full of love and sincerity. Nang dahan-dahan na siyang humiwalay, saka lang ako nagmulat at mata niya agad ang sumalubong sa akin. Mga matang nagsasabing mahal na mahal ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto iyong tinagal ng halik namin basta ang alam kong parang namaga na ang labi ko.

Bumaba naman ang kamay ko sa kamay niya na nakasalikop na sa isa kong kamay. Napangiti ako.

"I've been praying and wishing for this moment. Kung saan mahahawakan na kita, and this happened at hindi ko mapaglagyan ang tuwa sa puso ko, Bright. I'm just so happy!" dinama niya ang dibdib niya.

Pareho lang kami. We've been waiting for this moment like ever. At heto na nga, dumating na ang araw na 'to.

Tumayo ako at naglakad. Ginaya niya naman ako hanggang sa malapit na kami sa dulo ng tinatapakan namin. My eyes are glued to the sun setting down.

"Palubog na ang araw," bulalas ko.

Bumuntong naman ako at sinandal ko ang ulo sa balikat niya. Mauulit pa kaya 'tong pagkakataong ito? Pero sana maulit pa.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon