Chapter 24

3.8K 188 20
                                    

***

CLARA

Pagkauwi sa bahay ay pagod akong humiga sa kama ko. Pero nang maalala ko si Carl, mabilis akong bumangon. Medyo matagal na rin kaming walang bonding ni Carl.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan siya sa kwarto niya.

"Carl?" tawag ko sa labas ng pinto.

Pagkabukas ng pinto ay mabilis akong pumasok sa kwarto niya.

"Ate naman! May kwarto ka! Labas!" pagpapalayas niya. Tumawa ako at umupo sa kama niya. In fairness, ang linis ng kwarto niya. Napagawi ako sa kanya na nakatingin sa akin at nakahalukipkip.

"Ano ba ang ginagawa mo rito?"

I sighed and smiled. "Hali ka nga rito."

Nagdadalawang isip pero lumapit din siya sa akin. Agad ko siyang dinala sa bisig ko at mahigpit na niyakap.

"Na-miss kita bunso..." I whispered. Hindi naman siya sumagot at hinayaan lang ako sa ginawang pagyakap sa kanya.

Sa mga nagdaang linggo kasi, I was busy with Bright and Haze. Sa kanila lang nakatuon ang atensiyon ko. Pati na rin sa school. Tapos, lagi ko na lang naiiwan si Carl mag-isa sa bahay. Kaya na-miss ko 'yong oras na kasama siya. That's why I want to bond with him right now.

Nang bitawan ko siya ay tahimik siya na umupo sa tabi ko.

Na-miss ko na rin sina Mama at Papa. Gusto ko ulit na kumpleto kami rito sa bahay. Pero, 'yon nga lang, busy sila sa trabaho. Naiintindihan ko naman kasi alam kong para sa amin naman ni Carl ang ginagawa nila.

"Okay na ba si Haze ate?" tanong ni Carl.

Lumingon ako at ginulo ang buhok niya na ikinainis niya.

"Oo. Pero hindi pa nga lang nagigising," malungkot kong sabi. Sana lang talaga ay magising nq siya. Para mawala na ang pag-aalala ko at mapanatag na ang puso ko.

"Wanna watch movie together?"

Kumunot ang noo niya. "Mall?"

Pinitik ko noo niya at humalakhak. "Mall ka diyan. Gabi na. Sa sala lang. Netflix. You know, bonding. Matagal na rin huli tayong nagbond."

Umiling siya. "Ayoko."

Ngumisi ako. "Ayaw mo?" tanong ko, nakangisi sa kanya.

Maagap naman na lumayo siya sa akin. Mukhang alam niya na agad kung ano ang plano kong gawin.

"Ayaw mo talaga?" naglakad na ako papalapit sa kanya.

"Ate naman!" tumatawa na siya ngayon.

Mas nilakihan ko pa ngisi ko. "Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!"

Tumakbo ako kaya tumakbo rin siya. Naghabulan lang kami sa loob ng kwarto niya hanggang sa tumakbo na siya palabas ng kwarto. Tumatawa kong hinabol siya pababa.

"Lagot ka sa akin!" tawa-tawa kong sigaw.

"Kung mahuhuli mo ako!" balik naman niya.

Mas binilisan ko naman ang pagtakbo sa kanya at nang mahuli ko siya ay agad ko siyang kiniliti sa tagiliran. Tawa lang ako nang tawa sa ginagawa at sa reaction niya.

"Tama na, Ate! Oo na! Manonood na ako!"

Huminto ako na tumatawa pa rin at nakasandal na sa sofa. Ganoon din naman siya. Napalingon ako sa kanya na hinahabol ang hininga.

"I-on mo na ang TV," utos ko at tumayo.

"Luto lang muna ako ng pop corn," dagdag ko pa bago siya iniwan doon para makapunta na sa kusina at makapagluto.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang