Chapter Three

1.1K 58 0
                                    

Mia POV.

Magic?! So totoo nga?! It means meron din ako?

"Alam kong nagtataka ka pero ito ang totoo Mia. Ang Magic World ay mayroong 5 kaharian at nahahati din ito sa Limang Tribe. Una ay ang Air Tribe , sunod ay Water Tribe , Fire Tribe , Earth Tribe at panghuli ang Ability Tribe which is tirahan natin.

Obvious naman na ang kapangyarihan lang natin ay mga abilities so pati sa ibang mga Tribe alam mo narin kung anong power meron sila"

Napatango nalang ako kay mama habang nakatingin sa kanya kasi di talaga ako makapaniwala sa nalalaman ko.

"Bukod sa ability ang meron tayo ay ang lugar din natin ang pinanggagalingan ng mga advance technology at isa ka sa mga kilalang imbentor Mia kaya wag kang magugulat kung marami ang nakakakilala sayo"

Sabi sakin ni mama na muli kong ikinatango sabi nya ay maglakad na kami kay pinaandar ko na yung Wheelchair ko. Habang papauwi kami ay ang mga sasakyan dito ay nasa himpapawid wala sa baba kaya malaya kaming nakakapaglakad sa baba.

Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang ilalim ng mga sasakyan. Nakita ko ng malinaw ang ilalim niyon kahit ang loob ng parte nung sasakyan na ikinapikit ko dahil paano ko yun nakikita pero pagtingin ko ulit ay ganon parin.

Siguro iyon ang kapangyarihan ko. Tumingin ako sa ibang Parte at nakikita ko sila ng tagusan kaya agad na rin akong pumikit kasi baka kung ano pa ang makita kong kababalaghan.

Paano ba to pawalain! Eh kung isipin ko nalang na wala na? Sige.

At boom! Gumana pag dilat ko. Ganon lang pala eh so yun pala ang kapangyarihan ko? Astig.

"Bawat mamamayan ay isa lang ang kapangyarihan na mayroon pwera nalang sa mga may dugong bughaw o royalties dahil dalawa o kung minsan ay tatlo ang meron sila"

"Thats unfair" plain kong sabi sa kanya na ikinatingin nya saakin at ngumiti.

"Ganyan ganyan din ang sinabi mo saakin noon haha. Well hindi kasi sila simpleng mamamayan lang sila ang mga tagapagligtas ayon sa Propesiya"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Anong propesiya?

"Nako wag mo ng isipin yun! May tamang panahon para jan!"

Sabi ni mama kaya tumango nalang ako sa kanya habang papalapit kami ng papalapit sa maraming tao ay padami ng padami ang lumalapit saakin at nag papapicture at autograph , diko naman maalala autograph ko kaya mia lang ang sinusulat ko.

Mukang napansin ni Mama ang pagiiba na ng mood ko kasi ayoko sa mataong lugar kaya lumapit sya saakin.

"Pasensya na kayo may hindi magandang nangyari sa anak ko kaya please wag muna sa ngayon"

Nakita ko na nagsilayuan na sila habang nagtatanong kung bakit tapos yung iba umiiyak pa ay taray ganon ba talaga may fans ako tsk. Agad na kami umalis doon at nakita ko sa malayo ang isang malaking palasyo.

"Iyan ang Ability Kingdom Si King Renz at Queen Clarity ang namumuno jaan mayron silang isang anak si Prince Charles , Kilala mo sya anak mag kaibigan kayo baka nga nasa bahay na yun ngayon palagi yun andon"

Charles? May kaibigan pala ako? Akala ko wala. Ng makarating kami sa bahay ay may naabutan kami ni mama na isang Lalaki at Isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang.

"Mia!!" Sigaw nung babae at tumakbo papunta saamin kasunod nya yung lalaki.

"Mia! Huhu! Anong nangyari sayo! Sabi ko naman sayo wag ka ng pupunta sa dagat eh!"

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon