Chapter Thirty-Eight

637 31 0
                                    

Third Person POV.

Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang narinig na kwento ni King Benji lalo na si Rilakkuma. Ni hindi nya alam kung ano nga ba ang irereact nya sa sinabi ng Lolo nya.

Ngayon malinaw na sa kanila. Silang kambal nga ang anak ng Hari at Reyna ng Heavenly Kingdom.

Wala kasing ibang nakakaalam na kambal pala ang anak nila kasi ang sinabi lang ng mga ito ay princessa ang balak kasi ng hari at reyna ay ipakilala ang dalawa sa lahat kapag ilang araw na ang lumipas ang kaso ay may hindi nga inaasahang pangyayari kaya walang ibang nakaalam tungkol sa anak nila hanggang sa nawala na nga ang mga magicians sa Heavenly Kingdom.

Habang sa isip naman ng nga hari at reyna ay sa Mermaid Kingdom pala namalagi ng matagal ang mga ito , sa dagat kaya pala. Wala talagang ibang makakaalam kasi mula ng mawala ang Mermaid Kingdom noon ay wala ng nagtangkang pumunta doon.

"Twiny nung malaman ko ang tungkol sa mga magulang natin napagkasunduan namin ni lolo na wag na munang sabihin sayo dahil may tamang panahon doon"  sabi sa kanya ni Mia pero si Rilakkuma ay hindi sumagot dito.

"Apo patawarin mo kami" sabi pa ng lolo nya pero wala muli silang nakuhang sagot mula sa dalaga.

Si Rilakkuma ay may kung anong nararamdaman na hindi nya maintindihan hanggang sa nagulat nalang sila ng biglang mahimatay ang dalaga mabuti nalamang at andoon si Dark kaya agad nya itong nasambot.

"Twiny! Twiny!" Tawag ni Mia sa kambal nya at lumapit narin ang mga kaibigan nya dito. Nag aalala silang lahat para sa dalaga.

"Mukang hindi nakayanan ni Rilakkuma ang mga nalaman nya" sabi ni Headmistress.

"Tama si Trixie pagpahingahin nyo nalang muna ang apo ko. Sigurado naman akong matatanggap nya din ang lahat" sabi ni King Benji na ikinatango naman nila. Binuhat na ni dark si Rilakkuma at dinala sa Kwarto nito.

Habang ang mga matatanda naman ay nagpunta sa isang kwarto upang mag usap tungkol sa nangyaring pagsugod sa kanila at sa dineklarang digmaan ng anak ni King Benji.

"Alam kong matagal akong nawala. Kinailangan kong gawin iyon para sa mga apo ko. Kinailangan ko silang iligtas laban sa sarili kong anak" panimula ni King Benji habang nakaupo na sila.

"Pero tito nasaan na po sina Will at Trish?" Tanong ng ina ni Dark sa kanya na ikinayuko din ng dating hari.

"Hindi ko alam. Ng umalis kami ay wala na akong naging balita sa kanila" sabi ni King Benji na ikinatahimik naman nila.

Namayani sandali ang katahimikan dahil doon pero nagsalita din si Headmistress.

"Makikita din natin sila ang mahalaga ngayon ay ang mapaghandaan natin ang pag sugod ni Leo. Hindi natin alam kung kailan sila susugod at sigurado ako na mangbibigla ang mga iyon"

Sabi ni Headmistress sa kanila na ikinatango naman ng mga ito.

"Tama si Trixie. Sa tingin ko ay buo na ang loob ng anak ko na talagang kalabanin tayo. Gusto ko na paghandain nyo ang lahat ng nasasakupan nyo dahil hindi simple lang ang magiging laban na ito"

Tahimik lang na nakikinig ang mga ito sa hari dahil talagang importante iyon.

" Trixie gusto ko na sanayin mo ang mga estudyante sa paaralan para mas mahasa pa ang kanilang kapangyarihan." Agad naman na napatango si Headmistress dahil sa sinabi ni King Benji.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon