Chapter Thirty-Six

582 31 0
                                    

Third Person POV.

Masaya ang lahat habang nagaganap ang birthday ng Kambal na kilalang kilala ng lahat.

Si Mia dahil isa itong sikat na inventor habang si Rilakkuma dahil sa pagkakapalit ng dalawa lalo na nagulat din ang lahat na may kambal pala si Mia.

Si Dark talaga ang unang nakaisip ng plano na iyon. Tinanong nya kay Mia kung talaga bang birthday na nila sa darating na araw na iyon na mukang nakalimutan din nito dahil ng ipaalala ni Dark ay nagulat pa sya.

Doon nga ay sinabi na ni Dark ang plano nya para sa birthday ng dalawa na ikinatuwa din ni Mia. Sinabi nila iyon agad sa mga kaibigan nila na ikinatuwa naman din nila.

Nagpaanggap lang sila na hindi nila alam ang bagay na pagpunta sa palasyo nila para sa surpresa at noon pa man ay naikwento na ni Dark sa kanyang mga magulang ang dalaga bago pa man nya ito ligawan. Masaya din ang mag asawa dahil sa wakas ay nakahanap na ng tamang babae si Dark.

Ang akala kasi nila wala na itong balak na tumingin sa mga babae dahil noon pa man ay talagang napaka cold ng binata kaya laking tuwa nila ng malaman nila na may liligawan na ito.

Hindi rin lingid sa magulang ni Dark ang nangyayari sa loob ng paaralan dahil sinasabi ni Headmistress ang lahat sa mga hari at Reyna.

" Ang ganda nyo talagang kambal! And congrats sa inyo ni Rilakkuma dark! Binatang binata na ah!"

Sabi ni Queen Icy ang ina ni Prince Terrain. Napangiti naman si Rilakkuma at dark sa Reyna.

" Oo nga ang ganda nilang dalawa naalala ko sa kanila si-"

Hindi na natapos ang sasabihin ng ina ni greg dahil siniko sya agad ng ina ni Terrain na ikinahinto din naman nito.

"Ah-ang ibig kong sabihin naalala ko yung kabataan ko ganyan din ako kaganda haha" napatawa naman sila dahil sa sinabi ng ina ni Greg na si Queen Petty.

Masaya na nag usap ang lahat habang palalim ng palalim ang gabi. Ang birthday nila ay bukas sa lahat kaya maaring pumunta ang kahit sino sa Magic World. Si Headmistress ang nagsabi sa mga estudyante nya na maari silang dumalo sa Birthday ng kambal.

Pero ang hindi nila alam ay may isang hindi imbitado ang syang manggugulo sa isang masayang gabi na iyon.

Nabulabog ang lahat ng makarinig sila ng pagsabog mula sa labas at ang malakas din na sigaw mula doon.

"Anong nangyayari?!" Sigaw ng ina ni Dark na naalarma din sa pagsabog na iyon. Lahat sila ay napatayo dahil don samantalang si Rilakkuma ay kitang kita kung anonang nangyayari sa labas.

"Sinusugod tayo!" Agad na sabi ni Rilakkuma na ikinagulat nila , agad na kumilos si Headmistress para gabayan ang mga estudyante samantalagang ang mga hari at reyna ay agad na lumabas para tignan kung ano ang nangyayari doon.

Sumunod narin ang mga princessa at principe pati ang kambal kahit pa mga nakasoot sila ng mga gown ay hindi nila iyon pinansin at dumeretso sa labas.

Sumalubong sa kanila ang nagkakagulong lugar dahil maraming mga rebelde ang naroroon at mga halimaw.

"Kailangan nating tumulong!" Sigaw ni Rilakkuma sa kanila at walang pasabi na pinunit ang kanyang gown na ikinanganga naman ng mga kaibigan nya pati narin ng mga hari at reyna.

Makikita mo ang pagkagulat at pagkamangha sa mata nila dahil sa tapang nito. Agad nyang pinalabas ang Heavenly Sword nya at tumakbo para makipaglaban.

Kaya nagsipagsunod na din sila sa dalaga. Ang mga babae ay ganon din ang ginawa sa kanilang mga Gown at agad din na nakipag laban.

Lahat ay hindi handa sa pangyayaring iyon kaya marami ang nasugatan sa kanila pero lumalaban parin para matalo lang ang mga ito.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora