Chapter Nineteen

624 40 0
                                    

Third Person POV.

"Wow Mia! Ikaw ang nakakuha ng Armas ng Hari!"

Napakunot ang noo ni Mia dahil sa sinabi ni Greg sa kanya.

"Sinong hari?" Tanong nito sa kanila habang hawak parin sa Heavenly Sword.

"Ang tawag jan ay Heavenly Sword Mia, Si King Will ang hari ng Heavenly Kingdom ang dating may ari niyan. Si Headmistress ang naglagay niyan dito naisip nya na baka mayroon ng bagong magmayari ng dalawang malalakas na armas sa Magic World at hindi nga sya nag kamali nakuha mo ito"

Nakangiting sabi sa kanya ng teacher kaya napatingin sya sa hawak nya na espada. Talagang napakaganda niyon at ramdam nya ang malakas na enerhiya na nanggagaling mula doon magmula ng hawakan nya ito. Napatingin naman sya sa isa pang armas doon .

"Ano naman iyon?" Tanong nya.

"Yan ang Magical Bow Mia. Si Queen Trisha ang may ari niyan" napatango naman sya sa sinagot sa kanya ni Charles. Maganda din yung bow at alam nyang malakas din iyon dahil reyna ang may ari niyon.

"Pero bakit saakin napunta ito?" Naitanong nya sa mga ito.

"Hindi din namin alam Mia ang mahalaga ikaw ang napili at karapatdapat ka" nakangiting sabi ni Faye sa kanya lumapit sila sa kanya at tinignan iyon ng malapitan.

"Wow! Ang ganda talaga! Naalala ko sinubukan kong hawakan yan katakot takot na kuryente ang inabot ko muntik na akong mahimatay!" Di makapaniwalang sabi ni Greg sa kanila na hindi naman pinaniwalaan ni Mia. " Totoo ang sinasabi ni Greg Mia. Hindi biro ang kuryente na meron ang dalawang yan " pag sasangayon nan ni Ann dito. Napaisip naman si Mia dahil totoo nga na malakas ang naramdaman nyang kuryente sa Magical Bow pero hindi naman ganon ka sakit. Nag kibit balikat nalang sya at muling tumingin sa Heavenly Sword.

" Mia kapag gusto mong itago ang sword mo ay isipin mo lang na mawawala ito at nasasaloob mo lang yan at kapag naman gusto mong palabasin ay isipin mo lang din ulit. Mag kakonekta ang armas at ang may ari nito kaya ganon " sinibukan ni Mia ang sinabi ng Guro at nawala na nga ito. " Osige tara na para makapagsimula na kayong mag training " sabi ng guro at nauna ng lumabas kaya lumabas narin sila.

" Congrats Mia " napatingin sya kay dark ng tumabi ito sa kanya , nahuli kasi sya sa mga ito. Napangiti naman sya dito. " Salamat Dark " nakangiti ding sagot nito at naglakad na sila palabas at nag kwentuhan pa sandali. Ng makarating sila sa Gym ay naabutan nila ang mga estudyante na nagsisimula ng mag sanay ng kani kanila. " Kayo ng bahala mag training ng inyo kaya nyo na yan royalties " tumango naman sila sa guro nila at umalis na ito para alalayan ang ibang estudyante.

Nagsimula na ang ibang royalties sa kanikanilang pag eensayo. Tumingin naman sa paligid si Mia at naghahanap ng magandang pwesto para mag ensayo pero napatingin sya kay dark ng mag salita ito. " Laban tayo Mia " sabi nito sa kanya na ikinangisi naman ni Mia. Ito ang kauna unahang pagkakataon na lalaban sya magmula ng mawala ang ala ala nya. " Sure walang urungan "

Nakangisi nitong sabi at pumunta na ang dalawa sa gitna. Napatingin naman sa kanila ang mga estudyante at mukang alam na nila ang mangyayari mag lalaban ang dalawa. Pati ang mga kaibigan nila ay napatigil dim sa pag eensayo at pinanood nalang sila.

" Sigurado ka ba na lalabanan mo ako ? " Sabi ni Mia sa kanya at nagkibit balikat naman sa kanya si Dark. " Bakit hindi ? Hindi ba isa ka sa pinakang magagaling lumaban sa Ability Tribe ? Gusto kong makita yun " napangisi ulit si Mia sa sinabi ni Dark. Nakaramdam sya ng pananabik dahil sigurado sya na ma chachallage sya kay Dark. Habang ang mga Estudyante naman ay pinag uusapan ang laban nila.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now