Chapter Twenty-Six

592 39 0
                                    

Third Person POV.

Agad na napamulat si Mia at sunod sunod na tumulo ang luha nya feeling nya hindi sya makagalaw. Parang hindi nya kinaya ang mga nalaman nya.

Nakakaalala na sya.

Lahat bumalik na sa kanya.

Kilala na nya kung sino talaga sya.

At kung ano sya.

Hindi sya si Mia

Mas lalong hindi sya katulad ng mga kasama nya dito sa Magic World na kinagisingan nya.

Agad na naupo si Mia at nagsimula ng humagulgol dahil sa nalaman nya. Napahawak sya sa puso nya dahil parang pinipiga ang puso nya sa mga naalala nya.

Bukod sa katotohanang hindi sya si Mia , ay ang naalala nyang huling kita nila ng Lolo nya ay ang magulong lugar nila. Ilang linggo na syang nasa ibabaw ng Magic World. Ang tagal nyang nakalimot. Ang buong akala nya ay sya si Mia.

" L-lolo! "

Iyak na sabi nito at niyakap nito ang tuhod nya. Kasabay ng pagiyak ng dalaga ay malakas na buhos ng ulan parang nakikisabay sa kanyang kalungkutan. Sobrang sakit.

Masakit malaman ang lahat ng katotohanan , na yung akala mo ay ikaw na at totoong pagkatao mo ay Hindi. Magigising ka nalang isang araw naaalala mo na ang lahat , ang lahat na puro kalungkutan.

Hindi magkanda mayaw sa pag iyak ang dalaga.

" M-mia " napatingin sya sa pintuan at nakita nya doon ang Mama nya. Ang tumayong mama nya doon nya lang napansin na nasa kwarto na nya pala sya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mia sa nakita nya at hindi nya mapigilan na tumulo muli ang luha nya. Hindi nya alam ang mararamdaman nya.

Hindi sya si Mia. Ibig sabihin hindi nya ina ang nasa harapan nya ngayon hindi nya alam kung ano ang gagawin nya ngayon na nakaalala na sya. Parang mas gugustuhin nyang wala nalang syang naalala kesa dalhin ang mga ala alang nagpapagulo sa utak nya.

Sa kabilang banda naman ay patuloy parin na naghahanap ang Royalties kay Mia. Lahat na ay lilibutin nila para makita lang ito. Pero napatigil sila ng biglang umulan ng malakas doon na nanlaki ang mata ni Terrain dahil kasabay ng malakas din na ihip ng hangin ay ang pag kaamoy nya kay Mia.

" Si Mia! Andito na sya naaamoy ko sya! Nararamdaman ko sya sa hangin! " Napatingin sa kanya ang mga kaibigan nya at agad na kinapa ni Ann ang lupa at nanlaki din ang mata nya

" Alam ko na kung asaan si Mia! Andon sya sa bahay nila! " Nagulat sila sa sinabi ni Ann at nagtaka dahil paano napunta doon ang dalaga pero agad din silang kumilos at nag teleport papunta kila Mia. Wala silang pake kung basa silang lahat ang mahalaga ay makita nila ang dalaga.

" Hindi ako si Mia Mama! "

Natigilan sila ng makarating sila sa kwarto ni Mia. At doon ay naabutan nilang iyak ng iyak si Mia at pilit itong nilalapitan ng ina nya pero lumalayo lang ito.

" Hindi ako si Mia! " Pag uulit pang sabi nito. Nagulat ang mag kakaibigan dahil sa narinig nila at nakikita nila ngayon napatahimik sila.

" M-mia anak ano bang sinasabi mo jan. Ikaw ang anak ko ikaw si Mia " sabi ng Mama nya at pilit syang nilalapitan pero umaatras lang ang dalaga at umiiling iling pa.

" Hindi ako si Mia. Naaalala ko na lahat. Nakakaalala na ako! Hindi ako si Mia " paulit ulit na sabi nito at hindi magkanda mayaw ang pagtulo ng luha nito.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now