Chapter Ten

791 45 0
                                    

Mia POV.

Nagising ako ng masarap ang tulog ko akala ko hindi ako makakatulog ng maayos kasi nga wala si mama hindi ako makakatulog.

Teka ang alam ko tumayo ako at uminom ng gatas at nasa terrace ako diba? Nagkibit balikat nalang ako at tumayo na at tyaka nag unat unat dahil ang sarap ng sinag ng araw sa bintana ko.

Matapos kong gumawa ng kailangan gawin ng isang babae sa umaga ay bumaba na ako. Nakaligo narin ako kasi may banyo naman don nakasoot narin ako ng uniform namin meron na kasi ako sa kabinet ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko sila na kakain na.

"Mia upo ka dito" sabay na sabi ni Charles at Terrain at nagkatinginan naman sila at tumingin ng masama sa isat isa.

"Uyy kayong dalawa napapaghalataan kayo ah" panunukso ni Faye sa kanila at nakita ko naman na nakatingin si Ann kay Terrain. Isa lang ang nakikita ko , nasasaktan sya.

Hindi ako sira para hindi maramdaman ang pagtingin nyang dalawang yan sakin lalo na si Charles noong magkasama na kami alam ko ang care nya sakin kakaiba yun pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Pero nitong mga nakaraang araw nag iiba yung care nya sakin para may something na hindi na sya yung kapag may gusto ka sa isang tao katulad nung kay Terrain pero hindi ko masabi kung ano yun.

At sa tuwing nakikita ko ang mata ni Charles parang may gusto syang sabihin sakin hindi nya lang masabi.

Para wala ng gulo ay naupo ako sa tabi ni Dark na tahimik lang na kumakain na. Napatingin sya saakin mukang wala syang pake sa paligid nya well that's good.

Pero napatulala ako ng ngumiti ito saakin. Eh? Problema nito? Kinunutan ko naman ito ng noo pero bumalik nalang ulit sya sa pagkain kaya kumain nalang din ako.

"Mia first day mo ngayon ah! Anong pakiramdam mo?" Tanong saakin ni Ann nakangiti na ulit ito ngayon.

"Sakto lang" kibit balikat kong sabi sa kanya.

"Alam mo naalala ko pa noon pinipilit ka talaga namin na pumasok dito pero ayaw mo bakit ka pumayag ngayon?" Tanong ulit nya saakin kaya napatingin ako sa kanya tapos kay Charles kung pwede ko lang sabihin na may hinahanap lang ako dito at kapag wala sya dito ay aalis na ako bayan

"Trip ko lang" sabi ko na ikinanganga nila.

"Haha di ka parin nagbabago Mia mahilig ka talagang mantrip!" Sabi ni Greg at ngayon ay wala na syang black eye sa mata nya. Nagkibit balikat lang ako sa kanila.

"Nako! Sigurado akong pagkakaguluhan ka Mia! Ang daming gustong makita ka at malapitan!" Sabi ni Faye na sinangayunan naman nila

"Oo nga Mia kaya mag iingat ka" makahulugang sabi ni Charles kaya napatingin naman kami sa kanya na nag tataka.

"Anong mag iingat ka jan? Safe ang Academy no!" Sabi pa ni Ann nag kibit balikat lang ito sa sinabi ni Ann sa kanya.

"At isa pa aalagaan ko si Mia" sabi ni Terrain at nakangiting nakatingin saakin na ikinataas ko ng kilay. Mukang naramdaman naman nila ang pag iiba na ng atmosphere dito kaya nag salita si Greg.

"Haha oo tama ka Terrain! Aalagaan NATIN si Mia" diin pang sabi nya. Napatingin ako kay Ann. I don't want to hurt her pero sa ginagawa ni Terrain sinasaktan nya to at nadadamay ako sa ginagawa nya.

Binalik na ulit nila ang magaan na atmosphere sa hapag kainan at naging maayos na ulit si Ann at nakakangiti. Mukang alam nila ang nararamdaman nito pwera lang talaga kay Terrain na manhid tsk.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now