Chapter Fourteen

703 43 0
                                    

Third Person POV.

Naiwan na naiinis si Mia dahil kay Dark , kahit pa na hindi pa sya nagugutom eh kakainin nya yun mamaya dahil mukang masarap talaga. Wala syang nagawa kungdi ang maupo nalang doon at tumingin sa paligid.

Wala syang ganang makipag away ngayon kaya behave lang sya. At isa pa nasa isip nya din ang nakita nya kanina.

"Sino kaba talaga? Anong kinalaman mo saakin?" Tanong nya sa sarili nya at napatingin sa gubat ng maalala nyang hindi pa nga pala nya alam kung ano ang gubat na iyon.

Agad syang tumayo at naglakad para maghanap ng guro na matatanungan alam nyang alam ng mga ito kung ano nga ba talaga ang tawag sa gubat na yun at anong meron doon?

Marami rami nadin syang estudyante na nadadaanan at binabati sya ng mga ito pero tinatanguan nya lang hanggang sa may makita sya ng isang guro kaya nilapitan nya kaaagad ito.

"Excuse me ma'am" pag agaw pansin nya dito na ikinalingon nito sa kanya.

"Oh? Mia ikaw pala do you need anything?" Tanong nito sa kanya.

"Pwede po bang makausap kayo sandali may itatanong lang po ako" ngumiti naman ang guro at humarap na ng tuluyan sa kanya at tumango.

"Gusto ko lang pong malaman kung ano pong meron doon sa Gubat na iyon" Napatingin naman ang guro sa tinuro nya.

"Ah yan ba? Ang tawag jan ay Enchanted Forest , yan ang pinakang malawak na gubat dito sa Magic World. Maraming mababangis na hayop jaan kaya sinasabi namin sa mga estudyante na wag pumunta doon dahil mapanganib" napatango naman si Mia sa nalaman nya at least ngayon ay may nalaman na sya tungkol doon.

"Ganon po ba, salamat po"

Sabi nito sa guro at ngumiti naman ito sa kanya mag sasalita sana ulit ang guro pero naputol iyon ng may sumigaw.

"Idol Mia!" Napatingin naman sila pareho sa tumawag at doon nga ay nakita nila yung nerd na fan ni Mia.

"Oh Kim ikaw pala" sabi ng guro. Madalas kasi na si Kim o yung fan ni Mia ang laging nauutusan ng mga teacher dahil nga sa matalino ito at hindi naman nag rereklamo ika nga ng iba teachers kid daw sya.

Binati naman nya ang guro pero si Mia talaga ang pakay nya.

"Mia pwede mo ba akong samahan? Sige na please importante lang to!"

Sabi nito at wala ng nagawa si Mia dahil hinila na sya ni Kim.

------
Sa kabilang banda naman ay nag uusap na si Terrain at Ann.

"Ann" agad na natigilan si Ann dahil sa narinig nya. Kilalang kilala nya ang boses na iyon. Bata palang sila ay hindi nya akalain na magkakagusto talaga sya sa kaibigan nya.

Bata palang ang royalties ay mag kakaibigan na sila. Isang araw ay nagising nalang sya na may gusto na sya sa binata at hindi nya alam kung paano sasabihin iyon sa lalaki dahil natatakot syang hindi sila parehas ng nararamdaman.

Napatunayan nya nga iyon sa mga nagdaang araw dahil talagang nakadikit na ito kay Mia. Nasasaktan sya oo pero hindi nya magawang magalit sa iba lalo na kay Mia dahil kaibigan nya ito at wala naman itong kinalaman sa nararamdaman nya.

Nitong mga nakaraan ay iniiwasan nya si Mia dahil nahihiya sya sa dalaga at napansin nito ang nararamdaman nya sa lalaki. Nahihiya sya dahil wala naman syang karapantan na mag selos pero nagagawa nya parin.

Nagisip isip sya at napagplanuhan nyang ititigil na nya ang kahit na anong nararamdaman nito sa lalaki.

"T-terrain ikaw pala" sabi nya dito at tumabi sa kanya pero umusog sya palayo dito na napansin ng lalaki.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now