Chapter Seven

884 50 0
                                    

Mia POV.

Nag aayos ako ng gamit ko dahil ngayon na kami papasok sa academy. Hindi ko alam kung paano kami makakapasok dun bahala na si Charles ang umasikaso tutal alam ko naman na dugong bughaw yan kaya makakapasok kami ng walang kahirap hirap.

Alam kong walang kasiguraduhan na andon si Aya pero wala namang masamang sumubok at isa pa baka mas marami akong malaman doon. Kung sakali man na wala doon si Aya aalis ako don para hanapin si Aya.

May sasama man sakin o wala maghahanap ako. Kahit anong mangyari hahanapin kita Aya kung ano man ang nangyari saatin bago ako mapahamak saka na muna yun pag naalala ko na.

"Handa kana ba Mia?"

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Charles doon.

"Tapos na ako." Sabi ko at binuhat na ang bag ko. Alam ko kasi na dorm ang academy kaya doon kami mamamalagi.

"Hindi na ba mababago ang isip mo?" Napatingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Charles wala na tong atrasan at ayaw mo bang mahanap si Aya?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre gusto kong makita si Aya pero-"

"Wala ng buts Charles" sabi ko at iniwan na sya doon at nakita ko si mama na nakaabang saamin. Agad ko syang niyakap.

"Anak mamimiss kita matagal tayong hindi mag kikita babalikan mo ako ah? Alam ko isang beses sa isang buwan pwedeng lumabas ang mga estudyante hihintayin kita"

Niyakap ko ng mahigpit si Mama sa kaunting panahon na magkasama kami ay talagang masasabi kong masaya ako.

Gabi gabi pumupunta ako sa kwarto nya nung magaling na ang paa ko at mag kukwentuhan kami bago matulog at noong hindi pa magaling ang paa ko sya ang pumupunta sa kwarto ko kasi nasanay narin akong katabi sya.

Sa tingin ko hahanap hanapin ko sya at hindi na ako sanay ng walang katabi. Mahihirapan ako nito sa Academy pero kailangan kong gawin to para kay Aya.

"Mamimiss din kita Mama. Lalo na ikaw ang katabi ko tuwing gabi baka hindi na ako makatulog ng maayos" sabi ko sa kanya na ikinangiti nya.

"Anak kailangan mong masanay na wala ako. Malaki kana at kailangan mo ring gawin ang mga bagay na mag isa ka nalang."

Napatango naman ako dahil sa sinabi nya at niyakap pa ulit sya sa huling pagkakataon dahil aalis na kami.

"Babalik ako mama babalikan kita intayin mo ako ah?" Tumango naman sya sa sinabi ko.

"Charles hijo bantayan mo ang anak ko ah. Sayo ko sya ipagkakatiwala" sabi ni mama kay Charles at niyakap din ito.

"Oo naman po tita pangako po" nakangiti nitong sabi at naglakad na kami palabas. Hinatid kami ni Mama sa labas ng bahay.

"Bye anak see you soon" tumango ako sa sinabi ni mama at sa kauna unahang pagkakataon ay ngumiti ako sa kanya na ikinagulat nya pero napangiti nalang din sya at hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtulo ng luha nya kaya tumalikod na ako kay Mama dahil baka hindi ako makaalis at samahan nalang sya dito sa bahay.

Masakit sakin na iwan sya dito lalo na at mag isa lang sya. Naiisip ko na sino kasama nya sa pagkain,pagkagising nya wala na syang gigisingin na anak tapos wala na din syang katabi sa gabi at mas lalong wala syang kasama sa araw araw na wala ako.

Napapikit nalang ako dahil sa mga iniisip ko at naramdaman ko ang pagkapit ng kamay ni Charles sa kamao kong nakakuyom na kaya napadilat ako at pagtingin ko sa kanya at nag aalala ito.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now