Chapter Twenty-Three

615 37 0
                                    

Mia POV.

Ilang araw ang lumipas mula ng mangyari ang pagtatanong saakin ni Dark sa panliligaw nya at masasabi ko na talagang napakasaya ko dahil sa ginawa nya.

Hindi ko talaga akalain na magagawa nya yun saakin. Based narin kasi sa kwento saakin nila Faye eh hindi ganong tao si Dark. Kaya talagang diko ineexpect yun. Ang akala ko nga nagbibiro sya nung panahon na iyon kaya sabi ko sasakyan ko ang trip nya.

Pero wala eh nasurpresa na ako , at saka simula non talagang literal na nililigawan ako ni Dark. Anjan yung tuwing umaga paggising ko meron ng isang Red Rose sa table ko at may nakalagay na sulat doon tapos pag bumaba na ako sya pa ang naghahain saakin minsan nga pag walang pasok sya pa yung nagluluto ng kakainin namin.

Which is kinakatawa nung mga kaibigan namin. Hindi daw nila akalain na magiging ganon si Dark lalo na pag nagluluto sya ay pinag soot ko sya ng pink na apron.

Gustong gusto ko laging nakikita sya na nakasoot nun pag nagluluto  tapos ako nasa lamesa at inaantay na matapos sya habang pinapanood ko.

Ang mga nagdaang araw ay talagang napakasayang araw ko , palagi yung nasa puso ko hinding hindi ko makakalimutan ang mga iyon.

Ang mga araw na hinayaan ko na mas lalo akong mahulog sa kanya. Sa ngiti palang nya talagang bumibilis na tibok ng puso ko. Maayos na rin ang academy wala na ring nangyayaring mga gulo nitong nakaraang araw.

Patuloy ang klase at kung minsan ay training ang meron kami. May subject kasi kami na ganon. Kahit pa na pagod minsan napapawi naman pag umuuwi na sa dorm tyaka isa pa katabi ko naman si Dark.

Oo nga pala si Greg at Faye nasa ligawan Stage narin. Tinutulungan namin si Greg kahapon na isurprise si Faye. Nagulat pa nga kami ng kinausap kami ni Greg para mag patulong.

Sabi ko na hindi na ako mag tataka kung mag kakatuluyan yung dalawang yun paano sila lagi ang magkaharutan at laging magkaaway sa pag kain at tignan nyo eto nga sila ngayon magiging Lovers na.

" Hey for you " napangiti naman ako ng pagdating ni dark sa room ay may ibibigay sya saaking Chocolate tapos may Rose din na kasama. Palagi yan hindi pumapalya ang isang yan.

Palagi din kaming mag kasama. Sanay na nga sila na nakikita kami laging dalawa ni Dark. Minsan kasi nag lalakad lakad kami. Maraming pakulo si Dark na kahit paulit ulit ang iba ay hindi ko parin mapigilan na kiligin sa mga ginagawa nya.

Kinuha ko naman yung inaabot nya saakin at inamoy ang Rose , nag babasa kasi ako ng Libro wala pa ang teacher namin mukang umalis pala si Dark diko namalayan busy kasi ako sa pagbabasa.

" Alam mo di na ako mag tataka kung ikaw ang makaubos ng mga bulaklak dito "

Natatawa kong sabi ng makaupo na sya sa tabi ko. Napatawa naman sya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon. Palagi nyang ginagawa yan sweet Right?

" Ayos lang basta para sayo " sabi nya at kinindatan pa ako na ikinatawa ko naman. At doon nga ay nag kwentuhan na kaming dalawa habang hawak nya parin ang kamay ko at nilalaro , ako naman ay kinakain ang binigay nya saakin syempre sinusubuan ko din sya masyadong matamis diko mauubos to kung ako lang ang kakain.

Maingay din sa room dahil may kanya kanya silang mundo sa kung ano mang ginagawa nila. Mukang busy ang guro namin kaya hindi sya nakapasok ngayon.

" May I call the Royalties. Please proceed to my Office.

Again may I call the Royalties and proceed to my office.

Thank you "

Napatigil kami dahil nagsalita si Headmistress sa Speaker kaya nagkatinginan kaming mag kakaibigan at tumayo na  at naglakad na  palabas.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon