Chapter Eight

788 43 0
                                    

Mia POV.

"Alam kong napansin mong puro Invention mo ang naka display dito hehe oo Fan mo ako pero syempre di lang iyon ang dahilan.

Ang katulad mo na talagang magaling , mautak , magaling makipaglaban ay kailangan ng eskwelahan ang kaso noon pa man ayaw mo ng mag aral dito ewan ko kung bakit ayaw mo ah"

So ganon pala talaga ako na mismo ang umaayaw. Kaya siguro nagulat si Charles sa kagustuhan kong mag aral dito ngayon kung hindi lang naman dahil kay Aya di ako papasok dito.

"May kailangan lang ak-"

"Ah! Oo Headmistress! Nakakagulat nga at gusto ng pumasok ngayon ni Mia parang dati pinipilit ko pa sya pero ngayon sya na mismo ang nagpumilit saakin!"

Tinignan ko ng masama si Charles paano tinakpan ang bibig ko tapos bumulong din.

"Wag mong sabihin ang dahilan!" Sabi nya saakin at inalis na ang kamay sa bibig ko.

"Sigurado akong matutuwa ang royalties dahil andito kana Charles at kasama mo pa Si Mia! " Sabi ni headmistress habang papaupo ulit sya sa upuan at may hinahanap sa table nya.

"Oh! I found it! Ito ang Spare key nyo para sa Dorm nyo! Alam na ni Charles kung saan ang dorm nyo and Charles kayo na ang bahala na mag tour kay Mia okay?" Sabi nito at tumango naman si Charles habang kinukuha ang susi kay Headmistress. Tapos humarap naman ito saakin.

"And Btw Mia I'm Headmistress Lenny , Headmistress nalang Welcome to Riven Academy"

Tumango lang ako sa sinabi ni Headmistress at nagpaalam na si Charles para umalis na kami. Paglabas palang namin sa pinto eh kinausap agad ako ni Charles.

"Mia wag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pakay natin dito" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Bakit naman? Paano natin mahahanap si Aya?" Tanong ko sa kanya.

"Ah basta yung pagtatanong pwede pero yung sasabihin mo na dahil kay Aya kaya ka nandito eh hindi natin kilala ang mga tao dito at ang paguugali nila kailangan nating mag ingat"

"Kung makapagsabi ka naman jan Charles bakit may masasamang nilalang ba dito sa Magic World?" Tumingin sya saakin ng seryoso.

"Oo Mia. Madami hindi mo pa alam at habang nandito ka sa Academy ay alamin mo"

Napatingin ako sa daan habang nag lalakad kami. Alamin ko? Marami pa talaga akong di alam sa mundong to kaya kailangan kong malaman yun.

"Pag wala dito si Aya aalis na ako" ikinahinto ni Charles ang sinabi ko.

"Bakit naman? Wag ka namang basta basta umalis" sabi na kaya hinarap ko sya.

"Una palang Charles yun na ang plano ko ang hanapin lang si Aya.
Hindi ko plinanong mag tagal dito. Hanggat maari bibilisan kong mag hanap dahil kada lumilipas ang oras ay lumalaki ang tyansang baka mapahamak sya" nakita ko na napaisip din sya sa sinabi ko at walang nagawa kungdi ang tumango.

Hinawakan nya ako at sabi nya mag teleport nalang daw kami at sa isang iglap ay andito na nga kami sa tapat ng isang pinto. Napatingin ako sa Hallway at walang tao dito tapos wala naring ibang pinto akala ko ba Dorm to? Dapat tabi tabi ang pinto dito.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit isa lang ang pinto kasi nga itong floor na to ay para saatin lang. Mga Dugong Bughaw ang naka dorm dito"

"Dugong bughaw pala eh bakit ako nandito" sabi ko sa kanya

"Coz your special Mia" sagot ni Charles at kumatok na sa pinto , napairap pa ako dahil sa sinabi nya may nalalaman pang special ano ako special child?

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang babae na kulay Gray ang buhok na nanglaki ang mata at maya maya ay tumili at niyakap si Charles.

"Waahhh!! Charles! Dito kana ulit papasok?! Kyahhh!"

Sabi nito na ikinatawa ni Charles.

"Oo Faye! Asan sila?" Tanong nito sa Faye?

"Andon sa loob! Tara dali matututwa sila pag nakita ka!" Hinila na ng babae si Charles at abay magaling iniwan ako dito kaya wala akong choice kungdi ang pumasok nalang din.

Mukang di ako napansin tsk. Tinignan ko ang paligid. Malaki ito sabagay isang buong floor to eh natural lang at isa pa royalty ang mga kasama ko dito.

Hindi ko kilala ang mga anak ng Hari at Reyna dito pwera kay Charles , ang sabi ni Charles ay nagkikita pa naman daw silang mag kakaibigan kaso isang beses sa isang buwan nga lang kasi nga isang beses lang pwedeng lumabas ng academy.

Maganda dito sa loob at narinig ko pa ang ingay nila nasa kusina ata sila andito kasi ako sa may sala.

Lumapit ako sa may table doon at nakita ko ang  nakadisplay sa dingding na isang larawan ng buong Magic World. Tinignan ko ng mabuti iyon at nakita ko na halos kalahati ng Magic World ay Karagatan.

Doon iyon saamin sa may Ability Tribe. Konting lakad lang dagat na ang kalalabasan mo. Bakit ganon kalaki ang dagat? Bakit parang feeling ko may kakaiba don?

"Who are you" bigla akong nakarinig ng isang malamig na tinig kaya napalingon ako  at nakita ko ang isang lalaki na mayroong itim na buhok at mayroong asul na mata.

Nakaka hypnotized ang mata nya parang nakikita ko ang dagat. Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon at muntik ng mawalan ng balanse pero mabuti nalang ay may sumalo saakin at naamoy ko ang pabangong panlalaking panlalaki. At pagtingin ko ay yung lalaking nagtanong ang sumalo saakin.

"Hey are you okay?" Tanong nya kaya kahit hindi ay tumango lang ako at tumayo ng maayos at lumayo sa kanya masyado syang malapit sakin.

"M-mia?" Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko kaya nagtaka ako. Mag sasalita na sana ako pero may nauna na saakin na nagmula sa kusina.

"Oh? Nagkita na pala kayo ni Mia dark"

Sabi ni Charles na ikinatingin ko sa kanya at kasama nya ang iba nyang kaibigan at nanglaki ang mata dahil nakita ako.

"OMG!! Mia?!" Hindi ko alam pero bigla nalang tumakbo ang mga ito saakin at niyakap ako.

Okay?

"Mia! Na miss ka namin!"

Huh? Kilala nila ako?

_____

( Vote

Comment

And

Share

Be a Fan!

Love lots!

~B.NICOLAY/Ms.Ash)

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now