Chapter Seventeen

689 35 0
                                    

Mia POV.

Pumunta na kami sa office ni headmistress nag teleport lang kami may power naman sya nun eh. Pag dating namin dun napatingin sila saamin lalo na at may mga ngiting nakakaloko sa kanila dahil sa magkahawak naming kamay kaya agad ko yung inalis.

Alam kong ikinapula ko yun kaya tumikhim nalang ako at lumapit sa tabi ni Charles.

"Ano ng meron dito?" Tanong ko sa kanila at bumalik na ulit sila sa usapan nila.

"Naayos na namin ang nangyari doon kay Kim na nagtangka sayo Mia." Sabi ni headmistress kaya napatango ako.

"Sino ba ang mga yun? Ibig kong sabihin diba may mga taliwas sa Magic World?" Tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Sila ang mga tinatawag na Rebelde , Dark Tribe ang meron sila. Noong mga panahon na andito pa ang Heavenly Kingdom ay ang anak ni King Benji na dalawang lalaki ay umibig kay Queen Trisha pero si King Will ang mahal nya doon nag simula ang lahat.

Sinubukang pigilan ni former King Benji ang namumuong laban sa pagitan ng mga anak nya pero wala syang nagawa at sya pa mismo ang naipit dahil narin sa galit na si Prince Leo sa kanya ng malaman nitong kay Prince will nya ibinigay ang trono ng Heavenly Kingdom.

Doon na tinipon ni Prince Leo ang mga taliwas sa Magic World. Walang kaalam alam ang pamilya nya hanggang sa nangyari na nga ang araw ng pag atake nila Prince Leo sa palasyo na syang araw din ng pagkapanganak ni Queen Trisha sa anak nya.

Pero nawala ng parang bula ang mga ito. Pati narin ang mga kasama nila sa palasyo ay biglang nawalang parang bula. Naiwang duguan ang palasyo pero wala kahit isang tao doon"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Headmistress at isa pa bakit ang dami nyang alam?

"Kasama ba yan sa itinuturo dito? Paano nyo nalaman yan?" Tanong ko sa kanya at mukang nagulat naman sya sa tanong ko.

"Oo nga Headmistress ang pagkakaalam ko ang mga ama at ina lang namin ang nakakaalam ng bagay na iyan bakit pati ikaw ay alam mo?"

Napatingin ako kay Charles ng mag salita ito.

"Alam nyo rin yun?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya. So hindi pala iyon tinuturo dito. Basic na information lang siguro ang sinasabi nila sa mga Estudyante pero bakit pati saamin ay sinasabi nya? Ay sabagay alam na naman ng mga Royalties pwera saakin.

"Dahil Kapatid ko si Queen Trisha"

Napasinghap kaming lahat dahil sa sinabi ni Headmistress. Seryoso?! Mukang hindi lang ako ang nagulat dahil pati sila.

"Is that true?!" Gualat na tanong ni Dark dito at tumango naman si Headmistress.

"It's true. She's my Twin. Hindi kami magkamuka kaya walang mag aakalang kambal kami pero pag pinagsama mo kaming dalawa mahahalata mo dahil parehas kami ng mga ngiti" nakangiting sabi nito na parang binabalikan nya ang nakaraan. Hindi ako makapaniwala sa nangyayaring ito.

"Pero bakit hindi namin alam?!" Tanong ni Faye sa kanya.

"Dahil ako na mismo ang humiling sa mga Hari at Reyna na wag ipaalam sa lahat. Pinagawa ko tong Academy na to dahil sa may rason ako.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя