Chapter Fifteen

676 38 0
                                    

Third Person POV.

Nagulat ang mag kakaibigan dahil sa kakaibang nangyari sa Cupcake na iyon ng dumapo ang pinakang bread nito sa damo. Hindi sila makapaniwala sa nangyari kaya napatingin sila kay dark.

"Dark ano yan?! Kung sino man ang kakain nun baka mamatay hindi lang basta lason yan! Acido yan!" Gulat na sabi ni Faye sa kanya pero si Dark ay napaisip dahil sa nangyari.

Iniintay nila na mag salita na ito. Habang si Dark ay unti unting pinoprocesso sa isip nya ang nangyari.

Naalala nya si Kim. Palagi itong andon kung asaan si Mia. Palagi nya itong binibigyan ng kung ano ano. Lalo na at sya ang nagbigay ng Cupcake!

"Sh*t! Mia is in danger!" Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi nito lalo na si charles.

"Anong ibig mong sabihin dark?" Tanong ni Charles sa kanya.

"Kay Kim galing yan! Doon sa Fan nya kinuha ko lang sa kanya" nagulat ang mga ito sa sinabi nya at agad na tumakbo si Dark kaya sinundan nila ito agad nag aalala sila sa dalaga.

Ang nagtatangka sa buhay nya ay hindi nila kilala at ngayon nga ay ito na kilala na nila. Nakarating sila sa Garden pero wala doon si Mia kaya naghanap sila kung saan saan pero wala talaga!

"If Kim is involved here maybe may kinalaman sya kung bakit nawawala si Mia. Kailangan natin ng mapapagtanungan kung nasaan si Kim!" Sabi ni Charles sa kanila.

"May alam ako. Ang mga teacher!" Sabi ni greg kaya agad silang naghanap ng teacher na mapapagtanungan hanggang sa may nakasalubong sila na isang Teacher.

"Ma'am! Nakita nyo po ba si Kim?!" Agad na tanong nila dito

"Si Kim? Ah oo! Tinawag nya si Mia. Kausap ko kasi si Mia kanina tapos dumating si Kim nag papasama daw" napamura naman sina Dark at Charles habang ang iba ay nagulat dahil sa narinig. Mia is Really in danger.

"Ano po ang tinanong nya?" Tanong ni Ann

"Ahh about dun sa Enchanted Forest"

--------

Sa kabilang banda naman ay hila hila si Mia ni Kim papasok sa Enchanted Forest.

"Oy anong ginagawa natin dito? Mapanganib dito ah!" Sabi nya pero ngumiti lang ito sa kanya ng lingunin sya nito at nagsalita.

"Magpapatulong po sana ako! Saglit lang!" Wala ng nagawa si Mia kungdi sumama tutal eh hila na sya eh.

Napatingin sya sa paligid tahimik dito sa gubat at iisipin mo talaga na walang mababangis na nilalang dito kasi ang ganda  pero hindi ka parin dapat makasiguro dahil maari kang mapahamak.

Sa naisip ni Mia na iyon ang kapahamakan ay parang kinutuban na sya. Napatingin sya ng mabuti sa likod ni Kim at nagulat sya ng makakita sya ng itim na aura na nakapalibot sa dito at napatingin sya sa kamay nya na hawak nito.

"Saan ba talaga tayo pupunta?!" Pero hindi sya sinagot nito kaya sinubukan nyang hilahin ang kamay nya pero ang higpit niyon hanggang sa nakaramdam na sya ng sakit sa kamay nya parang nasusunog iyon.

"Ahh!!" Sabi nya at buong lakas na hinila ang kamay nya na ikinaalis naman nito. Napahinto sa paglalakad si Kim pero nakatalikod parin.

Habang si Mia naman eh napaatras dahil kitang kita nya ang pagbakat ng kamay sa kanyang palapulsuhan. Hindi sya maaring magkamali. Ganon na ganon ang naramdaman nya noong nasa library sya!

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now