Chapter Sixteen

686 37 1
                                    

Third Person POV.

Lutang si Mia habang ginagamot sya ni dark sa kwarto nito. Hindi talaga sya makapaniwala sa mga naalala nya. Kung mahal nya si Charles bakit wala syang nararamdaman para sa lalaki?

Napatingin sya kay dark na may sinasabi sa kanya bigla syang nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso nya napakurap sy ng tumingin sa kanya ang lalaki.

"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman nakikinig eh!" Sabi ni dark sa kanya pero napahawak sya sa puso nya dahil bumilis pa lalo ang pagtibok nito.

"Huy!" Nagulat sya ng sumigaw ito sa kanya.

"Haha ano ba yan? Kanina ka pa nakatingin sakin tapos magugulat ka pa? Alam mo malala ka na kung ako sayo wag ko ng iinumin yang sleeping pills na yan"

Napakurap sya dahil sa sinabi ng binata at napatingin sya sa gilid ng higaan nya at andon nga sa ibabaw ang sleeping pills na iniinom nya sa gabi. Kaya napabuntong hininga nalang sya dahil sa mga naiisip nya. Parang sasabog ang isip at puso nya naguguluhan na sya.

"Masakit parin ba sugat mo?" Agad naman syang umiling dahil sa sinabi nito.

"Eh bakit parang problemadong problemado ka?" Napatitig sya sa lalaki at napaisip sya kung paano nga ba sila nagkakilalang dalawa.

"Paano ba tayo nagkakilala dark?" Wala sa topic na sabi nito na ikinakunot ng noo ng binata.

"Iyon ba? Magkakasama kami nun mag kakaibigan ng ipakilala kami ni Charles sayo. Nung una ang seryoso mo pero nung tumagal palagi ka ng nakangiti"

Napaisip naman sya dahil sa sinabi nito. At parang ganon kabilis na dumating sa isip nya ang ala ala na yun. Kitang kita nya kung gaano kasaya ang sarili nya , lalo na pag kausap si Charles.

"Ano ang napansin mo saakin pag si Charles ang kasama ko?" Natigilan naman ang binata dahil sa tinanong ni Mia at sumeryoso ang muka nito.

"Masaya ka. Yung tipong parang kayong dalawa lang ang magkasama" napapikit sya dahil sa sinabi ng binata. Gusto nyang umiyak dahil sa confusion na bumabalot sa kanya.

Kasabay ng pagpikit nya ay ang pagbalik ng ala ala nya nung mga panahon na silang dalawa lang ni Charles ang magkasama. Masayang masaya sya hindi nya inaasahan na makikita nya ang sarili nya ng ganon ka saya.

Napadilat naman sya at nakita nyang nakatingin sa kanya si Dark.

"Nakakaalala kana ba Mia?" Seryoso nitong tanong sa kanya na ikinapikit naman nya. Gusto nyang maiyak. May kakaiba syang nararamdaman sa binatang nasa harapan nya pero based sa nakaraan nya ay kay charles sya inlove na inlove.

"Konti palang ang naaalala ko" sabi nya at tumingin sa lalaki. Natahimik naman si Dark at napaisip sandali.

Pero maya maya ay ngumiti ito sa dalaga.

"Wag ka ng magisip ng mag isip Mia baka hindi kana tuluyang makaalala sige ka!" Sabi nito sa kanya na ikinangiti nalang din nya. Tama ito dapat ay hindi nya pilitin ang sarili nya na maalala ang lahat.

Kasi baka pag nakaalala sya ay hindi nya kayanin ang mga ala alang yun.

Napatingin sya kay dark ng humiga ito sa higaan nya na ikinagulat nya.

"Hoy! Umalis ka sa higaan ko!" Sabi nito kay Dark pero nginisian lang sya nito.

"Bakit? ayoko nga at isa pa ilang beses na akong nakahiga dito noh" napasinghap naman sya sa sinabi ni dark at pumasok sa isip nya yung mga panahon na ang alam nya ay sa labas sya nakatulog pero andon na sya kinabukasan sa higaan nya.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now