Chapter Six

882 50 0
                                    

Mia POV.

Andito kami ngayon sa labas ni Charles at gusto ko na talaga syang kausapin kanina pa.

"Ano ang alam mo bago ako maaksidente?" Malamig kong sabi sa kanya na ikinatingin nya saakin at nakita kong napalunok pa sya.

"A-ano bang sinasabi mo Mia" sabi nya saakin , nauutal pa sya alam kong may alam sya.

"Wag ka ng mag maang maangan pa Charles alam kong may alam ka pero ayaw mo lang sabihin sakin"

Sabi ko sa kanya na ikinalunok ulit nya tapos hindi sya nakasagot sakin ng matagal pero maya maya lang ay rumingin sya saakin at seryoso na sya.

"Mayroong mga bagay na ikaw dapat ang makaalala Mia. Kung gusto mo talagang malaman ang mga sagot sa katanungan mo alalahanin mo" napasabunot ako sa sarili ko kasi paano ko nga malalaman wala akong maalala.

"That's a sh*t Charles! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong maalala ang lahat! Kung pwede lang na iuntog ko ang sarili ko para makaalala na gagawin ko!" Sabi ko at talagang nanginginig na ako out of frustration na napansin naman nya kaya niyakap nya ako at wala na akong nagawa kungdi ang yumakap din sa kanya dahil kailangan ko talaga yun para kumalma.

"Patawarin mo ako Mia pero may mga bagay na matagal ng tinatago, may mga bagay kang matagal ng tinatago pero hindi ko pwedeng sabihin sayo ikaw,ikaw dapat ang makaalala" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya

"Pero bakit di mo nalang sabihin" sabi ko sa kanya at nakita ko sya na parang nag iisip ng sasabihin.

"Basta kapag nakaalala ka na saka ko sasabihin ang dahilan" napabuntong hininga naman ako kasi wala akong makukuhang sagot sa kanya mukang kailangan ko talagang makaalala agad.

"Pero sigurado kana talaga na papasok ka sa Academy?" Tumango ako sa tanong nya saakin.

"Kailangan nating mahanap si Aya. Kahit saang sulok pa yan ng Magic World basta makita lang natin sya ayos na ako" nakita kong tinignan nya ako sa mata at nakita ko doon ang lungkot. Ano bang tinatago mo Charles bat di mo nalang sabihin?

"Hindi lahat ng tao mababait Mia. Ikaw mismo ang nagsabi sakin nyan. Sa mundong to maraming sakim at iyon ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok sa Academy. Ayaw mong madamay sa gulo. At ayaw mong mapahamak ang mahal mo sa buhay"

Napaisip naman ako sa sinabi nya saakin. Did I really say it to him? Pero sa kanya narin mismo nanggaling ayokong mapahamak ang mahal ko sa buhay at eto na nga at nawawala si Aya ayoko syang mapahamak

"Sayo na mismo nanggaling Charles , nawawala si Aya at hindi ako basta tatayo lang dito at mananahimik. Kapag tumahimik ka talo ka kailangan mong lumaban Charles kailangan" nakita ko ang pagkamangha sa mata nya dahil sa sinabi ko.

"Ang laki talaga ng pinagbago mo Mia" sabi nya saakin

"Talaga?"

"Oo at mukang ayoko ng bago mong pagkatao dahil mas lalo kang mapapahamak sa ginagawa mo" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi ako mapapahamak Charles"

"Alam kong malakas ka Mia pero nitong mga nakaraan nakikita ko sayo na mas gusto mo ang napapasok ka lagi sa gulo. Ayokong mapahamak ka Mia" ako? Papasok sa gulo? Hindi naman ako makikigulo kung walang kinalaman sa buhay ko yun.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now