Epilogue

1.4K 59 13
                                    

"Ngayong araw...

Ngayong araw natin ipagdiriwang ang araw ng ating tuluyang pagkalaya sa Kamay ng Kapatid ko na si Leo"

Sabi ni King Will na ngayon ay nakatayo sa harapan ng lahat. Sila ay nagtipon tipon sa Heavenly Kingdom.

Ilang araw na ang lumipas at tuluyan na silang naka recover sa digmaan na naganap sa pagitan nila at ng mga rebelde.

" Masasabi ko na hindi talaga naging madali ang labanan.

Kahit para saamin. Matagal kaming nawala , nawala kami dahil binantayan namin ang mga demonyo.

Sinadya namin na palabasin na nawawala kami para hindi kayo mawalan ng lakas ng loob at maaari pa na babalik kami.

Hinintay namin si Rilakkuma na makarating sa Demon World dahil isa sa kambal na anak ko ang nakamana ng kapangyarihan ko.

At iyon si Rilakkuma "

Nakikinig sila sa hari dahil ngayon nya lang sinasabi ang bagay na iyon. Sa tagal na natapos ang digmaan ay wala silang kahit na anong sinabi tungkol sa nangyari bago sila makarating doon at tulungan sila.

Kahit pa si Mia at ang mga kaibigan nila ay walang alam. Tanging si Dark , Rilakkuma at ang magulang nila ang nakakaalam niyon.

"Dati akong isang God. Ako ang God of Demon" nagulat sila dahil sa sinabi ni King Will pero si Headmistress at King Benji ay alam na nila ang tungkol doon noon pa.

Kaya ganon nalang ang reaction ni King Benji ng mawala si Rilakkuma dahil ineexpect na nya na mangyayari iyon. Lalo na at plano nila ng anak nya noon pa ang tungkol sa bagay na iyon.

Tanda nyo yung bago tuluyang pumasok si King Benji noon sa dimension? Plano yun.

Pati yung dimension na iniwan nila sa kwarto nila sinadya nila yun para maging clue yun kay Rilakkuma at nagtagumpay naman sila dahil nalaman na ni Rilakkuma ang lahat noong nakapasok sya sa kabilang dimension na naroroon yung sa gubat.

Alam ni King Benji na naroroon si Rilakkuma nung oras na yun.

"Si Rilakkuma ang nakamana niyon. Totoo na hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko kaya kumalat ito dito. At ngayon nakay Rilakkuma na ang kapangyarihan ko na iyon.

Ng mawala si Rilakkuma dito ay doon sya sa Demon World napunta at sinanay ko sya para makontrol ang kapangyarihan na iyon.

At ang dahilan kung bakit hindi nakontrol ng mga demonyo noon ang sarili nila ay dahil di pa ipinapanganak ang anak ko at ng maipanganak naman sila ay hindi pa tuluyang dumadating sa tamang edad si Rilakkuma kaya ng lumapit na ang kaarawan ng kambal ay tuluyan ng bumalik sa dati ang pag iisip nila. "

Hindi makapaniwala ang mga naroroon sa sinabi ng hari pati narin ang kambal nito.

"Si dark naman ay sumunod sa dalaga.

Doon ko napatunayan ang totoong pagmamahal nya sa anak ko.

Kahit walang ni isang sinabi sa kanya si Rilakkuma tungkol sa maari nyang paggaling ay hinanap nya parin ito kahit na alam nya na kapalit nito ang buhay nya.

At doon nya nakuha ang tiwala ko.

Alagaan mo sya dark" napangiti naman si Dark sa sinabi ng ama ni Rilakkuma at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng dalaga na katabi nya ngayon.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now