Chapter Thirteen

710 39 0
                                    

Mia POV.

Magmula ng mag usap kami ni Ann ay hindi na nya ako gaanong pinapansin at nahalata ko rin ang pag iwas nya saakin. Hinayaan ko nalang muna sya dahil alam kong kailangan nya ng space at alam kong masakit sa kanya ang nakikita nya lagi lalo na at si terrain ay parang tuko kung makadikit saakin.

Nagpapatulong na nga ako kay Charles pero walang effect parin. Kaya eto ako ngayon sa garden at nakatambay dito gusto ko munang mapagisa at makalanghap muna ng sariwang hangin lalo na at ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw.

Si Ann di na ako gaanong pinapansin, si Terrain parang tuko si Charles ganon parin maalaga , Si dark naman mapang asar , si Greg ang ingay lagi syempre kasama nya si Faye kaya nga di na ako mag tataka pag nagkatuluyan ang dalawang yan.

Tapos nito ding mga nakaraan ay palagi ng nagkakasalubong ang landas namin ni nerdy fan. Alam ko sinabi na nya saakin ang name nya nakalimutan ko lang hehe.

Alam mo yun sya yung tipong fan na fan talaga kung asaan ang idol nya ay andon din sya. Para syang stlaker tapos may mga binibigay din syang pagkain saakin pero diko naman type yun kaya ang ending binibigay ko kila greg at Faye tutal matakaw yung mga yun eh.

Tapos eto pa si Dark palagi na akong dinadaldal kaya palaging nauudlot ang pagiisip ko sa kanya well kahit papaano nakakalimutan ko ang isipin ko pero naiinis talaga ako sa kanya wews.

Hayy na sstress ako sa kanila kaya need ko ma refresh. Tahimik dito sa garden dahil madalang lang ang mga nagpupunta ditong estudyante. Maganda ang paligid lalo na at napapalibutan ng mga bulaklak. Napaunat ako pero agad din akong napatigil ng may makita akong anino sa may gubat

Ngayon ko lang napansin na malapit lang pala ang gubat dito. Ano nga ba ang gubat na yan? Nakalimutan ko na to dahil nakafocus ako sa pagiisip kung sino ang pwedeng gumawa nun saakin.

Agad akong napatayo ng mukang nakatunog ito na nakatingin ako at agad na umalis pero tatakbo na sana ako papunta doon ng may humawak saakin kaya napatingin ako doon.

"Mia! Kanina pa kita hinahanap! Nag aalala ako sayo!"

Panghihila saakin ni Terrain pero kasabay ng pagharap ko sa kanya ay ang pagpasok ng mga memorya sa utak ko.

*Memory*

"Mia sandali!" Sabi ni Terrain kay Mia habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Habang ang dalaga naman ay naiinis na humarap sa lalaki.

"Ano nanaman ba yun Terrain?" Kalmado nitong sabi sa lalaki.

"Mia please payagan mo na-"

"Nag usap na tayo tungkol jaan Terrain ayoko" deretsyong sabi ni Mia kay Terrain at tinalikuran ito pero hinablot agad ni Terrain ang kamay nito na ikinaputok na sa inis ng dalaga.

"Pwede ba Terrain?! Diba ayoko?! At isa pa nakikita ko sa mata mo na hindi pagmamahal yan!" Sabi nito kay Terrain na ikinahinto nito.

"A-ano bang sinasabi mo. M-mahal ki-"

"Wag kang mag sasabi ng salitang "MAHAL" kung hindi ka talaga sigurado. Nakikita ko sa mata mo na ang pagkagusto mo saakin ay simpleng pag hanga lang.

Hindi maiiwasan yun dahil kilala ako ng lahat Terrain pakinggan mo kung ano ang nasa puso mo at tumingin ka sa paligid mo dahil hindi mo alam na may nasasaktan ka na palang iba sa ginagawa mo"

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now