Chapter Eighteen

689 37 0
                                    

Mia POV.

Andito kami ngayon ni Charles sa Garden dahil sinabihan ko sya kanina na gusto ko syang makausap.

"Mia ayos ka lang ba?" Tanong nito saakin nakatalikod kasi ako sa kanya eh.

"May gusto lang akong malaman Charles. Gusto ko sabihin mo ang totoo" hindi naman sya sumagot saakin at mukang iniintay ang tanong ko kaya humarap ako sa kanya at tinignan sya sa mata.

Kahit anong tingin ko sa mata nya ay hindi ko maramdaman kung ano  ang nararamdaman ko kay Dark. Pero kailangan ko paring konfirmahin kung totoo ba na may something kami noon.

"Totoo ba? Totoo ba na  mahal mo ako at ganon din ako sayo noon pa?" Nakita ko kung paano sya magulat dahil sa tanong ko sa kanya.

"A-ano b-bang sinasabi mo Mia?" Nauutal nyang sabi saakin.

"Sagutin mo ako please" pagpupumilit ko pa sa kanya at napaisip naman sya at maya maya ay napatingin sya saakin nagulat nanaman.

"Bumalik naba ang ala ala mo? Pero paano?" Gulat nyang tanong saakin

"Hindi lahat Charles basta nalang bumabalik saakin ang iba kong ala ala at kasama na ang saating dalawa. Totoo ba?" Paguulit ko pang tanong sa kanya. Pero natahimik nanaman sya at parang di alam ang gagawin. Hindi sya makatingin saakin at malalim ang iniisip.

"Are you drinking any kinds of Pills?!" Gulat nyang sabi saakin na ikinakunot ko naman ng noo.

Yung sleeping pills ko ba ang tinutukoy nya?

"Pills? Paano po naman natanong yan? At oo umiinom ako ng sleeping pills. Hindi kasi ako makatulog sa gabi but I think makakatulog na ako kasi katabi ko si dark-" napahinto ako sa sasabihin ko at napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mata.

"Sleeping pills? Yung ginawa mo?! Wag mong inumin yun!" Sabi nya saakin na lalo kong ikinataka. Pero hindi eh lumalayo ang usapan namin may tanong ako sa kanya at bakit hindi nalang nya sagutin?

"Answer my question charles is it true?" Tanong ko pa ulit sa kanya na ikinalunok nya ulit. Matagal syang hindi nakasagot saakin pero maya maya ay nagsalita na din sya.

"Yeah it's true" deretsyong tingin nya saakin na ikinahina ng tuhod ko mabuti nalang at nahawakan nya ako agad.

"It makes sense now, yung mga care mo saakin simula ng magising ako. Bakit hindi mo sinabi saakin agad Charles?! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa malalaman kung kelan-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng putilin nya ito.

"Shh... Wag mo na munang isipin yan Mia. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal ang panahon na sinasabi mo ang mahalaga ay ligtas ka ayos na ako.

At isa pa balang araw maintindihan mo din" sabi nya saakin na lalo lang kinagulo ng utak ko kaya umiling ako sa kanya.

"Hindi mo naiintindihan Charles kasi-"

"Naiintindihan kita Mia. Wag mo ng isipin ang bagay na yun okay?" Napatahimik nalang ako dahil sa sinabi nya at niyakap ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabi nya kaya nyang maghintay ng matagal pero yung puso ko iba na tinitibok. Gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw nya akong patapusin tapos sinasabi pa nya saakin na balang araw ay maiintindihan ko din.

Ano ang dapat kong intindihin? Yung katotohanan na hindi ko na sya mahal? O yung pinapaasa ko lang sya o may iba pa? Bakit ba ang daming alam ni Charles na hindi ko alam!

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now