Chapter Thirty-Seven

580 29 0
                                    

Third Person POV.

Pagkatapos mawala ni King Leo ay namayani ang katahimikan sa buong lugar. Nawala na ang mga kalaban pero ang utak nila ay iisa lang ang nasa isip.

Sino ba talaga ang Kambal.

Lumingon si King Benji kila Rilakkuma na ngayon ay hindi din makapaniwala ang dalaga. Habang si Mia ay hawak parin ni Charles dahil puro sugat ito.

" Ayos ka lang ba Trixie? " Tanong nito kay Headmistress. Ngumiti naman si Headmistress.

" Ayos lang po ako. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para sabihin sa kanila ang lahat " napatango naman si King Benji at muling napatingin sa mga apo nya.

Si Headmistress ay sinabihan na ang mga estudyante na pumasok na sa loob ng palasyo. Lumapit naman si King Benji sa apo nya na si Mia at pinagaling ito. Agad namang yumakap si Mia sa lolo nya at umiyak.

" Lolo! Sorry " sabi ni Mia dito. Habang si Rilakkuma ay nagtatakang nakatingin sa kapatid hindi alam kung bakit ito nag sosorry.

"Shh... Wala kang kasalanan Mia ligtas naman si Rilakkuma" hindi na kinaya ni Rilakkuma kaya nag salita na ito para tanungin ang lolo nya.

" L-lolo " pagtawag nya dito at lumingon sa kanya ang lolo nya alam nya na mag tatanong na ito ano mang oras pero napalingon sila ng may magsalita.

" Anong nangyari dito?! " Napalingon silang lahat na andoon. Ang natira nalang sa labas ay ang mga dugong bughaw. Paglingon nila ay nakita nila na andoon ang Hari at Reyna ng Mermaid Kingdom.

" Kyahh!! Jolina! "  Sigaw ng  mga Reyna at agad na niyakap ang nagsalita na iyon na si Queen Jolina ang ina ni Aya kasama nito ang asawa nito na si King Gerald. Kadarating lang ng dalawa dahil nauna si King Benji sa kanila hindi na nila naabutan ang panggugulo ni King Leo doon.

Matagal na hindi nagkita ang mga ito kaya ganon nalamang ang Reaction nila.

" Sandali anong nangyari dito? "  Tanong ni King Gerald sa kanila na ikinatigil din nila.

" Sumugod si King Leo dito. Gusto nyang patayin si Rilakkuma "  sabi ng ina ni Charles at napatingin pa kay Rilakkuma na nakatingin lang din sa kanila. Hindi na nagulat ang mag asawa sa nalaman dahil alam na nila ang matagal ng gustong pag patay ni King Leo at ng asawa nito kay Rilakkuma.

Napatigil sila at napatingin kay Rilakkuma ng tumayo ito. Agad namang napatayo din si Dark para alalayan ang dalaga.

"L-lolopagtawag nya dito na muling ikinataka ng mga Hari at Reyna.

"Lolo nyo si King Benji?!" Tanong ng mga reyna sa kanya na ikinatango naman ni Rilakkuma ngayon ay naguguluhan na sya ngayon nya lang naalala ang pinag aralan nila noon na tungkol sa Heavenly Kingdom. King Benji ang pangalan ng Ama nila King Will at King Leo.

Napatahimik naman ang mga Naroroon dahil iisa na ang nasa isip nila.

Ang nawawalang Princessa.

"Twiny"  pagtatawag pansin ni
Rilakkuma kay Mia na ikinalingon sa kanya nito.

"Alam mo ba to?"  Napayuko naman si Mia dahil alam na nya kung ano ang ibig sabihin ni Rilakkuma. Napatawa naman ng mapakla si Rilakkuma at tumingin sa lolo nya.

" Sino po ba talaga kayo? "  Magalang na tanong nito sa lolo nya. Habang ang iba ay nakikinig nalamang sa pag uusapan ng mga ito.

"A-ako si King Benji , ang dating Hari ng Heavenly Kingdom" kahit na narinig na ni Rilakkuma iyon sa ibang tao na naroroon ay hindi parin nya maiwasan na mabigla dahil sa Lolo na mismo nya nanggaling.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon