Chapter Four

996 52 0
                                    

Mia POV.

"Mama magiging ayos din ang lahat lalo na pag naalala ko na malalaman ko rin kung bat n-namatay si papa?" Patanong ko ring sabi kasi diko sure hehe.

"Kahit maka alala mo anak dimo rin alam. Ang sabi mo saakin noon basta nasatubig kana tapos nawalan kana ng malay kaya nga may Trauma ka sa tubig.

Yun din ang dahilan kung bat ako nagalit kanina ng malaman kong pumupunta ka ng dagat kasi baka madamay ka sa nangyari sa papa mo ayoko."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Anong madamay mama?"

Nakita ko naman na natigilan si mama sa tanong ko anong meron?

"H-ha? Ah wala. May sasabihin nga pala ako sayo kasi tutal nakalimutan mo ang lahat deserve mong ngayon palang malaman mo na to.

Hindi ka namin tunay na anak"

Natigilan naman ako sa sinabi ni Mama. Ako? Ampon?

"Paano?" Yan lang ang naitanong ko sa kanya.

"Nakita ka ng Papa mo noon. Sya ang nakakuha sayo. Ang sabi nya nakita ka nalang nya sa may tabing dagat. Yun din ang dahilan kung bat kayo lagi sa dagat kasi gusto mo laging malapit sa pinagiwanan sayo pero dahil nga sa masamang nangyari natigil yun"

Napaisip naman ako sa sinabi ni mama. Hindi nila ako anak? Kung ganon sino ang magulang ko? At bakit nila ako iniwan? Napapikit nalang ako at napahawak sa ulo ko ng sumakit iyon.

"Anak wag mo piliting makaalala. Makakasama sayo yan baka lalong dimo maalala ang lahat"

Tumango nalang ako kay mama at niyakap sya. Ang sarap na kayakap ang ina mo. Parang ngayon ko lang naramdaman to sabagay sabi kasi ni mama hindi daw ako ganito dati.

Pwes mag babago na yun. Kahit pa na cold ako sa panlabas may puso parin ako para sa mga mahal ko. At isa pa diko alam kung bakit ako cold or sadyang inborn.

"Sige na matulog kana Mia" sabi nya saakin at hinaplos ang buhok ko kaya napapikit nalang ako.

--------

"Nako Mia! Kung naaalala mo lang madalas tayong magtatakbo dito paakyat sa burol!" Sinamaan ko naman ng tingin si Aya dahil sa sinabi nya na ikinatawa ni Charles na nasa likod ko. Ewan kung anong ginagawa jan eh kontrolado ko naman ang Wheelchair at di babalik pababa eh.

"Haha sige ingiitin mo pa sya sa nakaraang kaya nyang tumakbo at maglakad. Pero di nga Mia! Mahilig ka umakyat ng puno at manguwa ng mga bunga!"

Pinatigil ko ang Wheelchair ko at pinindot ang isang button na ikinalabas ng dalawang arnis at kinuha yun at itinutok sa kanya na ikinalunok nya.

"Haha! Ano ka ngayon charles! Gaya pa hahaha" inalis ko na ang arnis at ibinalik sa lalagyan. Nalaman ko narin kung paano nagkasya ang mga gamit dito sa wheelchair na ito talagang ganon ako katalino para maisip yun ha.

Sa ilalim nitong upuan ng Wheelchair nakalagay lahat at kusang lalabas basta pindutin mo. Pero hindi mabigat ang Wheelchair at hindi sya di charge dahil battery ang gamit nito at mumurahing battery lang.

Akalain mo yun mukang mamahalin to pero mura lang ang battery. That's the power of my brain.

"Pinapaalala ko lang naman kay Mia ang hilig nya eh" kamot ulong sabi ni Charles habang hawak nanaman ang likod ng Wheelchair ko.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now