Chapter Thirty-Three

570 30 0
                                    

Third Person POV.

Tulala na nakaupo si Rilakkuma sa pinakang harapan ng mga upuan. Lahat ng andoon ay ramdam ang bigat na nararamdaman ng dalaga pati narin ang kambal nito na ngayon ay pinipilit na maging matatag para sa kapatid nya.

Matapos mahimasmasan ni Mia ay saka nya lang naalala ang kapatid nya at doon ay nakita nyang iyak iyon ng iyak. Pero ng napagod ito ay inalalayan na sya ni Dark paupo sa upuan at ngayon nga ay nakatingin si Mia kila Rilakkuma at Dark na nasa harapan. Alam nyang nasasaktan ang kapatid nya at ganon din sya pero kailangan nyang mag pakatatag para sa kapatid nya.

Nilapitan sya ng mga kaibigan nila at niyakap naman nya ang tatlong babae at muling umiyak. Pero agad din syang tumigil at pinunasan ang luha nya.

" H-hindi ko akalain na ang pagpunta natin dito nung nakaraang araw ay ang huling araw na makakausap ko si Mama ,

Ang dami ko pang gustong gawin kasama sya at si twiny pero nawala nalang yun ng parang bula "  sabi nya sa mga ito.

" Mag pakatatag ka Mia kailangan tayo ni Rilakkuma kahit na cold yung isang yun ay alam kong alam mo na sya ang pinakang mahina sa emosyon lalo na pagdating sa mahal nya sa buhay " sabi ni Aya sa kanya.

" Tama si Aya. Naalala ko nung nawala si Aya. Iyak ng iyak si Rilakkuma nun. Nag isip sya ng paraan para mahanap agad si Aya " sabi din ni Charles. Alam ni Mia ang bagay na iyon. Noon pa man ay pansin na nya iyon sa kambal nya. Kahit na anong tago nito sa emosyon nya ay lalabas at lalabas iyon kapag may napahamak na kakilala nya.

Lumipas ang maghapon at andon lang si Rilakkuma sa harapan at kung minsan ay hindi kumakain pero ginagawa ni dark ang lahat para makakain lang ang dalaga kahit kaonti. Kaya laking pasasalamat ni Mia kay dark dahil kahit papaano ay napapakain nya ang kambal nya.

" Kausapin mo na kaya sya Mia? "  Napatingin sya kay Dark ng mag salita ito.

Lumapit pala ito sa kanya ng hindi nya alam. Ayaw ni Dark na nakikitang ganon ang babaeng mahal nya kaya naisip nyang ang kambal nya lang ang tanging makakapagpaliwanag dito ng lahat.

" H-hindi ko kaya dark. Makita ko lang syang umiiyak hindi ko na kaya " sabi ni Mia na nakatingin sa likod ni Rilakkuma.

" Hahayaan mo lang ba syang ganyan Mia? Alam kong ikaw lang ang makakapagpagaan sa loob nya Mia. Kambal mo sya nararamdaman mo ang nararamdaman nya Mia magpakatatag ka para sa kapatid mo "  napatahimik naman si Mia dahil sa sinabi ni dark sa kanya dahil tama ito.

" T-tama ka nga dark. Gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati si Rilakkuma " sabi ni Mia at huminga muna ng malalim bago lumapit sa kapatid. Ng nasalikod na sya ni Rilakkuma ay ngumiti ito at tinabihan ang kapatid nya.

" Alam mo bang sabi ni Mama ay mahal na mahal ka nya? "  Napatingin sa kanya si Rilakkuma at nagsimula muling tumulo ang luha nito. Kaya humarap sya sa kambal nya.

" Twiny alam kong masakit pero wala tayong magagawa nangyari na. Alam kong bago mawala si Mama ay masaya sya. Nalaman nyang buhay pa ako at may bonus pa dahil nakilala ka nya.

Kahit na hindi tayong tatlo nagkasama still kita ko sa mga mata nya bago ko sya iwan dito nun ay masaya sya. "

Muling napaiyak ng husto si Rilakkuma dahil naalala nanaman nya ang Mama nila. Nung panahon na bumalik sila sa academy nakangiti ito sa kanila at kinawayan pa sila habang papaalis sila.

Agad namang niyakap ni Mia si Rilakkuma. " Twiny let her go. Alam kong gusto na nyang makasama si Papa. Alam kong masaya sya bago nya tayo iwan at ayaw nya na makita kang ganyan. Gusto nya masaya ka , gusto nya walang iiyak saating dalawa twiny don't let your emotions eat you"

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now