Chapter Twenty-Nine

591 36 0
                                    

Third Person POV.

" Headmistress maaring may makuha kaming sagot pag bumalik na kami sa dagat tatanungin ko ang lolo ko tungkol sa Mermaid Kingdom " sabi ni Rilakkuma habang andon sila sa Kwarto ng Hari at Reyna dahil doon na sila dadaan sa dimension na andoon.

" Lolo? " Napakunot ang noo ni Headmistress dahil sa sinabi ni Rilakkuma hindi pa kasi nya nababanggit ang tungkol sa lolo nya ng matapos sila mag usap sa office nito kanina ay agad din silang dumeretso sa palasyo. Dahil narin sa kagustuhan ni Rilakkuma na agad na makabalik sa kanila ay agad din silang pumunta sa Palasyo

" Lolo ko po ang kasama ko , sya ang nag palaki saakin " napatango naman si Headmistress dahil sa sinabi sa kanya nito.

" Ako na ang bahala para makahinga tayo sa ilalim ng tubig " napatingin sila at napatango ang mga ito sa sinabi ni Dark. Kapangyarihan kasi nito ang tubig kaya may Control sya na maaring ikahinga nila doon.

"Headmistress hanggat maari ay wag nyo munang sasabihin sa lahat ang tungkol sa pagkatao namin ng kambal ko. Kapag bumalik nalang kami saka namin sasabihin sa lahat" tumango ulit si Headmistress dahil sa sinabi ni Rilakkuma sa kanya. Handang handa na itong bumalik para hanapin ang lolo at kapatid nya.

" Mag iingat kayo. Hihintayin namin ang pagbabalik nyo " tumango na sila kay Headmistress at isa isa ng pumasok sa dimension.

Ng makapasok sila ay kanya kanyang laglagang mga ito sa ilalim at kanya kanyang langoy. Agad na sumenyas si Dark na gagawin na nya at tumango ang mga ito pero si Rilakkuma ay gumawa ng barrier para sa kanya para hindi sya madamay sa gagawin ni dark. Dahil alam naman nya kung paano pababalikin ang Buntot nya.

Sa isang iglap lang ay nakahinga na ang mga ito at kaya naring makapag salita pero agad silang napatingin sa gawi ni Rilakkuma ng biglang lumiwanag doon at nanlaki ang mata nila at kitang kita kung paano magpalit ng buntot ang kanyang mga paa.

Napanganga sila ng makita ang isang mas gumanda pang babae sa harapan nila napakaganda ng buntot nito dahil kumikinang ito at ang mahaba nitong itim na buhok ay talagang bumagay sa kanya dahil ngayon ay nakaipit na ito at may iilan na nakalugay dito.

Pero si dark ay hindi natuwa sa nakita nya dahil halos bilad na ang kalahating katawan ni Rilakkuma sa harapan nila kaya agad itong lumapit kay Rilakkuma at ipinasoot ang jacket na kanina pa nya soot soot. Napakunot naman ang noo ng dalaga sa ginawa nito at kanya kanyang tawa na ang mga kaibigan nito.

" Dark! Ano ba yan saan ka nakakita ng serena na may jacket ha?! " Sabi sa kanya ni Rilakkuma na ang sama sama na ng muka dahil doon. Pero tinaasan lang sya ng kilay ni Dark.

" Anong gusto mo hayaan kong makita nila yang katawan mo? Hell no! " Napairap nalang si Rilakkuma sa sinabi nito dahil di nya maiwasang kiligin dito pero hinayaan nalang nya iyon na soot nya.

" Sige na nga tsk. Tara na ako ang mauuna sunod nalang kayo sakin " sabi nito at lumangoy na pero napasigaw ang dalawang babae dahil ang bilis lumangoy ni Rilakkuma na ikinahinto nya at nagtaka kung bakit wala ang mga ito sa likod nya at nakita nya na humahabol ang mga ito sa kanya.

" O? Haha ang bagal nyo naman " tawang sabi nya dito na ikinairap ng dalawang babae.

" Baka nakakalimutan mong may buntot ka kami wala " sabi ni Faye na ikinatawa ulit ni Rilakkuma

"haha sige na ayan oh " sabi ni Rilakkuma at itinapat ang kamay sa mga ito na ikinataka nila at maya maya ay napasigaw na ang dalawang babae.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ