Chapter Fourty[CHAOS]

722 33 0
                                    

Third Person POV.

"H-hindi lolo! Bitawan mo ako lolo! Si Twiny! Hindi sya pwedeng umalis!" Sigaw ni Mia habang gustong kumawala sa lolo nya habang si Dark naman ay walang nagawa kungdi ang umiyak nalang habang naka upo na sa sahig habang yakap ang tuhod dahil wala na ang mahal nya.

Iniwan na sila ni Rilakkuma.

Sinubukan nya lahat. Binasa nya lahat para makahanap ng lunas pero wala parin walang kinahinantungan na maganda ang lahat ng pagod nya.

Habang ang mga estudyante kahit na natakot sila kay Rilakkuma kanina ay hindi parin nila maiwasang maiyak dahil sa nangyari na iyon.

Ang mag kakaibigan ay hindi magkanda mayaw sa pag iyak lalo na ang mga babae. Nilapitan nila si Dark dahil sa kanilang lahat ito ang pinakang masasaktan.

Palagi nyang kasama si Rilakkuma at hindi nila alam na mayroon na palang masamang nangyayari sa dalaga at ngayon nga ay wala na ito. 

Hinawakan ni Charles ang balikat ni dark na ngayon ay umiiyak parin. Lumapit naman si Faye at niyakap si Dark at ganon din ang ginawa ni Ann at Aya dahil alam nilang kailangan iyon ng lalaki.

Si Mia naman ay hindi parin nagpapapigil sa lolo nya at pilit na kumakawala. Hanggang sa humarap na sya dito at nasigawan ito dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman nya.

"Bakit ganyan kayo lolo?! Si Rilakkuma yun! Kambal ko yun! Pabalikin natin sya!"  Iyak na sabi ni Mia.

"Nasasaktan din ako Mia! Apo ko yun ako ang nagpalaki sa kanya. Pero wala akong magagawa kasi Maaari nyang masaktan lahat ng nasa paligid nya kung hindi sya aalis."  Napatahimik naman si Mia dahil sa sinabi ng Lolo nya

Dahan dahan syang napaupo sa sahig habang umiiyak

"Mahal ko si Rilakkuma , pero ito ang tama para sa nakakarami. Kambal mo na mismo ang pumili ng kahihinatnan nya.

Pinili nyang pumunta sa lugar na ginawa ng magulang nyo para sa mga demonyo kesa ang patayin ang sarili nya"  napatigil naman si Mia at napatingin sa lolo nya. Pati ang mga kaibigan nya at si dark ay napatingin dito.

"A-anong ibig nyong sabihin lolo?"  Tanong ni Mia.

"Dalawa lang ang pwede mong kahinatnan kapag naging isang demonyo ka. Iyon ay Una ang mag kusang pumunta sa Demon World, ang ginawa ng magulang nyo o Patayin mo ang sarili mo.

Iyan ang tanging paraan"

Napatahimik naman sila at umiyak na ulit maya maya.

Wala silang nagawa kungdi ang umiyak nalang hanggang sa mapagod silang lahat.

Nagsimula naring ibalik sa dati ang ayos ng academy si Headmistress ay napaiyak lang din ng sya ay magising mula sa laban nila ni Rilakkuma pero kailangan nyang mag pakatatag dahil sa kanya aasa ang lahat.

At isa pa Kailangan pa nilang maghanda para sa labanan na magaganap.

Ilang araw ang lumipas at kalat na kalat na sa lahat ang balita na nangyari sa academy.  Lahat ay nalungkot sa pagkawala ni Rilakkuma.

Kung ang lahat ay nalungkot mayroong isang taong masaya sa nangyari na iyon. Ang Tito ng kambal na si Leo.

"Hahaha! Akalain mo nga naman! Umaayon saatin ang lahat! Wala na ang bwiset kong pamangkin na si Rilakkuma!

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now