Kabanata 1

132K 1.2K 17
                                    

Simpleng pamumuhay ang mayroon si Cynthia Fajardo na anak ng isang magsasaka.



"Napakaganda talaga ng anak ni Aling Aunor, ngunit kahit na minsan ay hindi ko man lang nabalitaan na nagkaroon ng kasintahan ang batang iyan." bulungan ng kanilang mga kapit-bahay sa tuwing siya ay makikita ng mga ito.



Magdadala na si Cynthia ng pagkain sa bukid para sa kanyang inang magsasaka, Nadaanan muna niya ang mga kalalakihan na nagiinuman sa kung saan siya ay dadaan.



"Cynthia, maaga ka yata? Bati sa kanya ni Mang Javier.



"Opo Mang Javier, dadalhan ko po si Nanay ng pag-kain sa bukid." Sagot naman ng dalaga sa may edad na lalaki.



"Cynthia, baka gusto mong tumagay muna?" Pag-aalok naman ng kainuman ni Mang Javier na si Manong Yoyong.



"Naku Manong Yong, masyado pa po maaga para uminom ng alak, sige po at mauuna na ko, dadalhin ko pa po itong pag-kain na dala ko sa Nanay ko." Pagpapaalam ni Cynthia sa mga ito.





Ipinagpatuloy ng dalaga ang kanyang pag-lalakad upang puntahan ang kanyang ina.





Nang marating na ni Cynthia ang bukid ay inihanda na niya ang kanyang mga dalang pag-kain para sa kanyang ina at sa mga kasamahan nitong mag-sasaka.



"Aling Aunor,  ang anak pala ni Senior Herrera ay darating dito sa ating bayan."



"Nabalitaan ko nga din iyan, halos kasing edad ni Cynthia ang batang iyon." Sagot ng ina ni Cynthia.





"Eh Aling Onor ilang taon naba ang anak mong si Cynthia?"





"Bata pa si Cynthia, Disi-siete anyos lang ang anak ko at ang anak naman ng Senior ay nasa edad bente anyos lang din." Sagot ni Aling Aunor sa kanyang mga kasamahan niyang mag-sasaka.





"Naku! hindi pala sila nagkakalayo ng edad si Cynthia, magandang lalaki din ang anak ni Senior Herera kaya naman tiyak na babagay siya kay Cynthia."



"Bata pa ang anak ko, kailangan muna niyang tapusin ang kanyang pag-aaral bago siya pumasok sa isang relasyon." Wika ni Aling Aunor sa mga ito.


Pinakikinggan lamang ni Cynthia ang kanyang ina at ang mga kasamahan nitong mag-sasaka, ngunit hindi maitanggi ng dalaga na naglalaro sa kanyang isipan kung ano ang itsura ng binata na may anak ng lupang kanilang sinasakahan.



-------------------------------------------------------------------------------------------------

Daniel Herera







"No Daddy, hindi ako uuwi sa probinsya!" pagmamatigas ng binata.



"Daniel! Ano man ang sabihin mo at ano man ang maging katwiran mo! hindi na mag babago ang isip ko! Kailangan mo umuwi sa probinsya natin sa ayaw at sa gusto mo!" Galit na sabi ni Senyor Herera sa anak.



"Promise Daddy! magpapakabait ako, mag-aaral ako mabuti, hindi na ako magbubulakbol at hindi na din ako mag cutting class, basta Daddy ayoko sa probinsya." Pakiusap ng binata sa kanyang ama.



"Ubos na ubos at sagad na sagad na ang pasensya ko sayo Daniel, Buo na ang desisyon ko! babalik ka sa probinsya sa ayaw at sa gusto mo!" Dag-dag pa ng kanyang ama.





Humugot ng malalim na pag-hinga ang binata habang siya ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama, problemado at balisa si Daniel matapos ng kanilang pagtatalo ng kaniyang ama, hindi talaga  nais ni Daniel na siya ay bumalik sa probinsya dahil sa ilang mga dahilan, una ay nasanay na ang binata sa buhay nito sa maynila, ang makipag-inuman sa mga bar kasama ang barkada, ang gawin ang kanyang mga gustong gawin, at isa sa pinaka-dahilan ng kanyang pag-tanggi ay inaalala niya ang kanyang babae na nagugustuhan na hindi niya kayang basta iwan o lumayo dito.





My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now