Kabanata 11

28.7K 441 3
                                    

CYNTHIA.



Hindi ako makatulog ng magdamag, buong gabi kong iniisip kung paano na ako, kung paano ko sasabihin sa aking nanay ang sitwasyon ko, natatakot ako, hindi sa kung ano man ang gawin niya sakin, natatakot akong masaktan siya at mapano siya pag nalaman niya na buntis ako.




Bukod doon, hindi pa din nawawala sa aking isipan ang ginawang pagtalikod sakin ni Dan kahapon nang malaman namin ang tungkol sa pagbubuntis ko..





Nasa harapan ako ngayon ng isang malaking bahay, Sa harap ng bahay ng mga Herrera, Inutusan ako ni Inay na dalhin ang isang basket ng mga kakainin para sa Senior, Ayoko sana mag punta pa dito dahil kay Dan pero hindi ko naman kayang hindi sundin ang nanay ko.




Nagdoorbell ako sa gate, at agad naman may nagbukas nito, sumilip dito ang isang babaeng nasa edad kwarenta.



"Ano po ang kailangan nila?"




"Nandiyan po ba si Senior Frederico? May mga pinadala po ang Inay para sa kanya." Magalang na tugon ko dito.



"Ganoon ba Hija, Pumasok ka muna sa loob."




Sinunod ko ang sinabi ng kasambahay ng mga Herrera at ginwardiyahan pa ko nito patungo sa isang sofa.




Habang nakaupo ako dito sa magandang sofa at pinag mamasdan ang loob ng bahay ng mga Herrera na parang palasyo.




Isang boses lalaki ang narinig ko.



"Ano ginagawa mo dito sa bahay ko?!!"



Matigas ang boses na yun at nakakatakot, kaya naman napatayo ako sa aking pagkakaupo ng mapagsino ko kung kanino ang boses na yun.



Para akong binuhusan ng malaming na tubig ng makita ko si Daniel na nakatayo sa Dulo ng hagdanan, nakasuot ito ng Panjama at puting T.shirt.




Dahan dahan inihakbang ni Daniel ang kanyang paa pababa ng hagdan, seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin saakin at alam ko na galit siya kaya ng makalapit siya saakin ay agad niya akong hinawakan sa braso ko ng mahigpit.




"Aaah, Aaaray ko Dan nasasaktan ako!" Pero parang walang pakielam si Dan sa pag angil ko sa kanya.




"Ano ginagawa mo dito ah!" Galit siya at masama ang dating ng kanyang mga mata sakin..





"Aray ko Dan, bitawan mo ko! Nasasaktan ako Dan, ano ba!" Pakikiusap ko sa kanya.




"Lalo kang masasaktan sakin pag hindi mo sinagot ang tanong ko Cynthia."



"Wala akong intensyon sabihin sa Daddy mo ang kundisyon ko, nandito ako dahil sa aking ina, para dalhin ko ang mga ito!" at ipinakita ko nga sa kanya ang isang basket ng kakanin kaya naman binitawan na niya ang pagkakahawak niya sa braso ko..




"Hintayin mo ko diyan Cynthia! May kukunin lang ako sa kwarto ko." at umakyat nga muli sa hagdan si Dan at iniwan muli ako na nasa sofa at nakaupo lang, Kahit na halos maiiyak na ko sa ginagawa niya sakin ay kakayanin ko, Dahil mahal ko siya."




Nasa harapan ko na muli si Dan at hinawakan niya ang isa kong kamay, limang tablet na maliliit na gamot ang inilagay niya sa palad ko, Kaya naman hindi ko naiwasan ang mag tanong sa kanya.



"Ano ito Daniel? Ano ang mga gamot na ito?" Hindi mawala sa mukha ko ang pagdududa.





"Gamot iyan Cynthia, ayon sa pinag bilhan ko ay mabisa ang gamot na yan, kapag ininom mo yan ay agad na malulusaw ang bata sa sinapupunan mo!" at ngumiti pa siya ng nakakademonyong ngiti.




Hindi ko alam bakit parang may dumidikdik sa puso ko, bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko sa mga sinabi na yun sakin ni Dan, Kusang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan, napaka sakit! Napaka sakit ng mga narinig ko mula sa kanya, Siya mismo! Siya mismo na ama ng pinag bubuntis ko ang gustong pumatay sa anak niya, Hindi ko kayang masikmura ang mga ginagawa niya.




Kaya naman kusang gumalaw ang aking kamay, Nasampal ko ng malakas si Dan sa kanyang mukha.



Ang kapal ng mukha mo Dan! Tandaan mo! Hindi kita kailangan sa buhay ko, napakasama mo!"




Tatakbo na sana ko ng maamoy ko na naman ang amoy ng pabango ni Daniel, naduduwal na naman ako, Kaya naman kahit hirap na ang sikmura ko ay hinanap ko pa din ang banyo, samantalang si Dan ay nakatayo lang at tinitignan ako..




"Napakaarte naman talaga!" Narinig ko pang sinabi niya.




"Napakawalang hiya talaga ni Daniel Hindi man lang ako iniintindi, Wala ba talaga siyang pakielam sakin?"





Habang nasa tapat ako ng malaking salamin at nagsusuka ay hindi ko mapigilan ang pag iyak dahil sa mga nararanasan ko.





Tinignan ko ang aking mukha na basang basa ng tubig, nakita ko din ang mga luha na umaagos sa aking mga mata, sobrang sama ng loob ang nararamdaman ko, sobrang bigat sa pakiramdam ko, anong klaseng tao si Dan? Bakit ganito ang trato niya sakin? bakit siya pa ang gustong mawala ang bata dinadala ko? Bakit ko siya minahal? napakadaming tanong saakin isipan na ngayon ay unti-unti ko ng nabibigyan ng linaw.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now