Kabanata 42

23.8K 413 11
                                    

Nasa harapan na si Abby ng gate ng Hacienda Herera, pinagisipan niyang mabuti ang pagbabalik niya sa lugar, kinalimutan na niya ang galit ng kanyang asawa kung sakaling malaman na sa Hacienda siya pumapasok, kailangan niya gawin ito, kailangan niya mag trabaho upang mabuhay silang dalawa ni Paulo, hindi man ganoon kakumbinsido si Paulo na siya ang mag trabaho ngunit pinilit niya ang pagkakataon upang hindi siya mabulok sa loob ng kanilang tahanan, at isa ay sa hindi malaman na dahilan ni Abby ay pilit siyang hinahatak ng kanyang mga paa sa Hacienda.


Dali siyang pumasok sa loob pero bago paman siyang tuluyan makapasok ay hinarang muna siya ng guard.


"Miss saan ka pupunta?!"


"Mag-aapply lang ako ng trabaho, balita ko ay naghahanap pa ng ilang tauhan dito.."


"Teka lang miss, tatawag lang ako sa loob para tumawag ng beteranong tauhan na magpapasok sayo."


Pumunta ang gwardiya sa loob ng guard house at tumawag ito sa telephono..


Siya naman ay nag hihintay lang sa gwardiya..


"Miss hintayin niyo na lang po si Manang Belen."


Tumango naman si Abby sa sinabi ng gwardiya, at hinintay ang matanda.


Ilang minuto ang lumipas, sa hindi kalayuan ay namataan niya ang matandang babaeng naglalakad papalapit sa kanila ng gwardiya, may kabagalan nga lang maglakad ito kaya siguro medyo matagal ito bago dumating dahil sa laki ng Hacienda..


Nang bahagyang malapit na ang matanda ay napangiti ito ng makita siya..


"Hija, Hija mabuti naman at bumalik ka!" nakita naman ni Abby kung gaano kasaya ang matandang babae dahil sa kanyang pagbalik.


"Manang Belen siya po ay-" hindi na naituloy pa ng panot na gwardiya ang kanyang sasabihin ng bigla na lang hatakin ng matanda si Abby, napakamot na lang sa kanyang ulo ang gwardiya.



Nakahawak ang kamay ng matanda sa kamay ni Abby habang naglalakad sila papasok..



"Naku Hija, mabuti naman at bumalik ka." Masayang sabi ng matanda. "Ano Hija? Handa kanaba mag trabaho?"



Tumango naman si Abby sa matanda.


"Halika't pumasok tayo sa loob, ipapakilala kita kay Sir."


Sumusunod lang sa paglalakad si Abby sa matanda..


Nakasalubong nila ang isang lalaking nasa edad kwarenta ang edad.


"Temong nakita mo ba si Senyorito?" Pagtatanong ng matanda dito..



Sumagot naman ang lalaki sa matanda.. "naku Nanay Belen, kakaalis lang ni boss kasama ang anak niya"


Huminto naman sa paglalakad si Abby at Manang Belen.


"Sayang naman at hindi mo nakita si Sir, napakabait pa naman nun." Sabi ng matanda.


"Hindi bale Abby, tanggap kana, ako ang tumanggap sayo dahil isa ako sa mga tao na naghahanap ng trabahador dito sa Hacienda."



Napakabait ng matandang babae kay Abby at mukhang masaya pa ito na bumalik ang babae sa lugar.



Dinala ni Manang Belen si Abby sa dulo ng Hacienda kung saan nandoon ang iba't ibang klase ng pananim.


"Hija sa lugar na ito ay may araw lang ang pag tatanim, kapag naman wala nang dapat itanim ay nililinis din namin ang kwadra ng mga kabayo, at kinukuhanan ng gatas ang mga kalabaw." Paliwanag nang matanda. "Wala kang dapat na ipag alala sa lugar na ito, mababait ang mga makakasama mo at isa pa ang turingan ng mga trabahador dito sa Hacienda ay isang pamilya.


My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now