Kabanata 43

23.7K 381 9
                                    

Hindi alam ni Abby ang kanyang gagawin, hindi siya makagalaw at para siyang tinulos na kandila, pakiramdam niya ay parang nanigas ang kanyang buong katawan dahil sa yakap ng lalaki.




"Sinasabi ko na nga ba, buhay kapa mahal ko." Bulong ng lalaking nakayakap sa kanya.



Pero pinilit niya ang sarili niyang huwag magpadala sa kakaibang nararamdaman.



"Hindi ko kilala ang lalaki na ito, may asawa ko, kaya hindi pwedeng magpadala ko sa kung ano man itong nararamdaman ko." Bulong ni Abby sa kanyang isipan..



Pinilit niyang kumalas siya sa pagkakayakap sa kanya ng lalaki, pero hindi niya nagawa dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya.



"Huwag Cynthia! napakatagal na mahal ko na nangulila kami sayo, kaya hayaan mo lang na yakapin kita." Tugon pa ng lalaking haggang ngayon ay matindi pa din ang pagkakayakap sa kanya.



Sa tuwing magsasalita ang lalaki at naririnig niya ang boses nitong nahahaluan ng lungkot at pananabik ay nawawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod, pero pilit niyang nilalabanan ang sarili.



Buong lakas niyang itinulak ang lalaki, kaya naman kumalas ang pagkakayakap nito sa kanya.



"Mister, hi-hindi ko po kayo kilala." Tugon ni Abby sa lalaking nasa harapan niya.



"Pero ikaw ang asawa ko, ikaw ang ina ng anak ko, ikaw si Cynthia ang babaeng mahal ko." Hawak pa nito ang magkabilang balikat ng babae at mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki dito.



"Mister hindi kita kilala bitawan niyo ko!" Puno ng takot ang mukha ng babae habang nakatingin sa mata ng lalaking namumula at puno ng luha.



Nanlaban si Abby at tinabig nito ang kamay ng lalaki, nabitawan naman siya nito, tatakbo na sana siya ngunit hindi pa siya nakakalayo ay nahawakan siya nito sa braso..



"Sinabi ng hindi kita kilala!!"



Ngunit makulit ang lalaki, hinatak muli siya nito papalapit dito at biglaang halik ang ibinigay dito.



Nanlalaki naman ang mata ng babae habang nakadikit ang labi niya sa labi nito.



Buong lakas niyang itinulak ang lalaki at biglaang sampal naman ang kanyang ganti na dahilan kaya bumaling ang ulo ni Dan.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now