Kabanata 17

27.4K 505 8
                                    

Hindi mapipigilan si Cynthia nang mapansin niya na umalis na ang Senior at Seniora at wala din si Dan at ang nakakatanda nitong kapatid, kaya hindi na siya nag dalawang isip na umalis na din ng mansion upang pumunta sa bayan, dahil lahat ng kinain niya ng umaga ay kanyang isinuka dahil hindi niya talaga gusto iyon, Isa lang ang hinahanap hanap niya, suman lang.



Ngunit wala siyang pera, wala siyang pambili dahil hindi man lang siya iniwanan ng kanyang asawa ng pang gastos man lang, ni hindi nga ito nag paalam na aalis kaya naman nagtungo siya sa silid nila ni Dan at nag halungkat siya doon upang maghanap ng pera.



Habang naghahanap siya ay nakakita siya ng isang litrato, litrato ng isang babae.



Maganda ang babae at napaka elegante din ng itsura nito, matamis ang ngiti nito sa litrato, kaya naman hindi maiwasan na hindi mapaisip si Cynthia sa babaeng nasa litrato.



"Sino kaya ang babae na to, hindi kaya siya ang dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Dan?" Kausap niya sa kanyang sarili.



Tumulo ng kusa ang luha ni Cynthia, masakit sa kanya ang isipin na kaya hindi siya kayang mahalin ng kanyang asawa ay dahil meron ng iba sa puso nito, pero naiintindihan niya si Dan na mahirap turuan ang puso, katulad na lang nang hindi niya kayang turuan ang damdamin niya na huwag 



Dali niyang itinago ang lirato, Ipapakita niya mamaya ito kay Dan at gusto niyang tanungin ang lahat upang kanyang maintindihan.



Bumaba siyang muli upang pumunta sa bayan tulad ng kanyang binabalak, ngunit wala siyang nakita pera sa kanilang silid kaya naman lumapit siya kay manang na ngayon ay nag lalaba sa likuran ng mansion.



"Manang." mahinang tawag niya sa matanda.



Napatingin naman sa kanya ito.



"Oh Cynthia, my kailangan kaba?"



Tumango naman ng bahagya ang babae at lalapit na sana siya sa matanda ng bigla siyang awatin nito.



"Oh Cynthia, wag kana tumuloy baka madulas kapa dito ako na lamang ang lalapit sayo."



Nang makalapit na ang matanda atska siya nag salita.



"Manang gusto ko lang po humingi ng pabor sainyo.."



Nakatingin lang ang matanda sa kanya.



My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now