Kabanata 37

31.1K 407 6
                                    

INAAYOS na ni Daniel at Cynthia ang lahat para sa kanilang kasal, ayaw na ni Daniel na mang himasok pa ang kanyang ama dahil gusto niya silang dalawa lang mag asawa ang mag ayos ng lahat..



Naturuan na din ni Daniel si Cynthia na mag maneho kaya naman minsan ay si Cynthia na ang nag da-drive at lumalakad mag isa. ayaw kasi ni Dan humiwalay sa kanyang anak..



Excited na si Cynthia sa church wedding nila ng asawa niya, nung kasing kasal nila noon ay civil wedding lang, lamukos pa ang mukha ni Daniel noon habang kinakasal sila, ngayon sigurado na siyang parehas na silang nakangiti.



Papunta si Cynthia ngayon sa simbahan para kausapin ang pari. Nang mamataan niya ang isang kulay pulang sasakyan ang kanina pa sumusunod sa kanya, kaya naman dali niyang itinabi ang sasakyan sa daan at inabangan ang kotseng pula na sumusunod sa kanya.


Ngunit dinaanan lamang siya nito, hindi niya alam kung sino ang nakasakay doon dahil tinted ang mga salamin ng sasakyan.



Muli siyang sumakay sa sasakyan upang pumunta na sa simabahan, hindi niya sigurado kung sinusundan ba talaga siya ng sasakyan o iniisip niya lang marahil yun..


Pagtungo niya sa simbahan at matapos niyang kausapin ang pari ay nagdasal muna siya saglit. Nakaluhod siya at nananalangin sa diyos, nag papasalamat siya sa lahat ng biyayang natatamasa ngayon ng pamilya niya, pero hindi siya mapalagay, Kanina niya pa nararamdaman na parang may nakatingin sa kanya at nag mamatiyag, hindi niya alam kung bakit ganoon ang iniisip niya pero iyon kasi ang nararamdaman niya..



Paguwi niya sa bahay, naabutan niya si Baby Deric na naglalaro mag isa, nakaupo ito sa sofa kaharap ang iba't ibang klase ng laruan, Si Dan naman ay busy sa pag luluto sa kusina..


Nilapitan niya ang asawa, napangiti pa si Cynthia ng makita na nakaapron pa si Dan at hirap na hirap sa pagluluto, lumapit siya sa gwapong asawa at papakielaman na sana niya ang ginagawa nito ng awatin siya ng lalaki.


"Bumalik kana kay baby, ako na bahala dito, gusto ko matikman mo ang kauna unahang pagkain na niluto ko, para sayo talaga ito." Napabuntong hininga ang babae at bumalik sa anak..





ORAS na nang kainan, kahit na kakaiba ang kulay ng sinigang ni Daniel ay masarap naman ang lasa nito, dahil si Baby Deric ay gustong gusto ang luto ng Daddy niya, sunod sunod ang pagsubo nito sa kutsarang tinatapat sa bibig niya ng kanyang Mommy Cynthia..



Si Dan naman ay halos hindi na makakain sa kakapanuod sa masayahing anak..



"Uyyy! Kumain ka ng kumain, bakit ba si baby ang pinapanuod mo.."



Nagulat naman si Dan sa pag saway sa kanya ni Cynthia..


"Makita ko lang ang anak ko na malakas kumain, Busog na busog na ko.."


Napapailing na lang ang babae sa kung ano anong sagot nito sa kanya..


Pero natauhan si Dan ng biglang nag vibrate ang cellphone nito at basahin ang isang text message..



Nang basahin ni Daniel ang text message ay nag reply ito, at agad na nitong sinukbit ang cellphone sa kanyang bulsa, samantalang si Cynthia ay abala sa pagpapakain ng kanilang anak..





Sumapit na ang gabi, mahimbing na natutulog si Cynthia at Baby Deric, samantalang si Daniel ay mulat pa ang mga mata, hindi siya marahil makatulog dahil iniisip niya ang isang text message ng kanyang kabarkada at inaaya siya nito sa isang bar, hindi malaman ni Daniel kung dapat ba siyang magpunta dahil iniisip niyang baka hindi siya payagan ng kanyang asawa..



My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now