Kabanata 4

37.7K 538 4
                                    

Hawak ang isang bote ng beer habang nakakalat sa kanyang tabi ang mga boteng wala ng laman na naubos na ng binata, habang tinutungga ang alak ay makikita sa mata ni Daniel ang labis na kalungkutan, Nakaupo sa isang kubo sa harapan ng sakahan tila may iniisip na malalim habang sumasabay ang napakalakas at napakalamig ng simoy ng hangin.



Sa hindi kalayuan ay naroroon si Cynthia dahil ang pahingahan na kubo ay malapit lamang sa tahanan ng dalaga, nakagawian na ni Cynthia na kahit malalim na ang gabi ay nag lalakad lakad ito upang makalanghap ng sariwang hangin.



Namataan ng dalaga ang likod ng isang lalaki, hindi niya makilala ng husto kung sino iyon pero sa pananamit ng taong iyon ay hindi siya mukhang magsasaka. tinitigan ni Cynthia ang lalaki kahit na ito ay malayo sa kanya, nakikita niya ang pag-inom nito ng alak at pag tingin nito sa kawalan na tila may mabigat na problema at may malalim na iniisip.



tatalikod na sana ang dalaga upang muling pumasok sa kanilang bahay kubo ngunit natigilan ang dalaga ng biglang sumigaw ang lalaki at ipukol nito ang hawak na bote kaya naman napilitan siyang lapitan ito.




Tumakbo si Cynthia sa hindi niya makilalang lalaki at napahinto siya ng makita niyang si Daniel ang lalaking iyon.



"Senyorito?" mahinang tawag ni Cynthia.



Nang makalapit na si Cynthia kay Dan at ngaun ay nakatayo na ito sa harap ng binata na nakayuko na sa sobrang kalasingan ay hindi niya maiwasan na hindi siya magsalita.



"Senyorito ayos lang po ba kayo?" wika ni Cynthia na tila may pag-aalala sa boses nito.



Narinig naman ni Daniel ang boses ni Cynthia kaya naman dahan-dahan iniangat ni Daniel ang kanyang ulo upang mapag-sino ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan.



Nakatitig lamang si Daniel kay Cynthia, kumikislap at naniningkit ang mata ng binata dahil sa labis na kalasingan, kitang kita din sa mata ng binata ang labis na kalungkutan.



Pigilan man ni Cynthia ang kanyang sarili ay wala siyang magawa, gusto niyang damayan ang binata sa lungkot na pinag dadaanan nito, hindi man niya alam ang dahilan gusto niyang iparamdam sa binata na maaari siya nitong maging kaibigan, hindi na maitatanggi sa kanyang sarili na iniibig na niya ang lalaki kaya naman nilapitan niya ito at umupo sa tabi ni Daniel.



Hinawakan nito ang kamay ni Daniel kaya naman ang lalaki ay napatingin sa kanya at si Cynthia naman ay buong pusong nakatingin sa mata ng binata na ngayon ay puno ng pag-aalab sa dalaga.



"Ano man ang iyong problema at ano man ang dahilan ng iyong kalungkutan, nandito ako Senyorito, gusto kong maging kaibigan mo, gusto kong maging sandalan mo sa oras ng iyong problema." sabi ni Cynthia.

My Devil Husband (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon