Kabanata 47

23.9K 388 7
                                    

Nang magising si Abby ay napansin niyang wala na naman si Paulo sa kanilang bahay, hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na aalis.

Ilang araw na din na laging umaalis ang lalaki sa kanila at kung umuwi ito ay gabi na, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng kanyang asawa.

Napatingin si Abby sa pintuan ng marinig niya ang malakas na kalabog nito.

"Sino iyan?!"

Ngunit hindi sumasagot ang taong nasa labas, hindi din nito tinitigilan ang pagkalabog sa kanilang pintuan.

Lumapit si Abby sa pinto upang buksan ito at nagulat siya ng makita niya ang tatlong armadong lalaki, puno ng tattoo ang katawan ng mga ito at nakakatakot ang itsura, ang isa sa mga ito ay may mahabang pilat sa mukha.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo?!" tanong ni Abby sa mga ito.

"Nasaan si Paulo?! Nasaan ang asawa mo!?"

"Wala dito si Paulo! Kaya kung sino man kayo ay umalis kayo dito!"

Isasara na sana ni Abby ang pinto ng bigla itong pigilan ng isa sa mga lalaki, sapilitan pumasok ang mga ito sa bahay at tinabig siya ng mga ito at diretsong pumasok sa kanilang bahay.

"Sino ba kayo?!" takot na tanong ni Abby sa mga ito.

"Umalis kayo dito!"

Hindi naman nakikinig ang mga ito sa kanya, buong bahay ay tinignan ng mga ito.

"Nasaan si Paulo?!"

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya! Ano ba ang kailangan ninyo sa asawa ko!" nag tataas na din ng boses ang babae ngunit ang takot ay hindi nawawala sa kanya.

Biglang bumunot ng baril ang isa sa mga ito at agad iyong tinutok sa kanyang leeg.

"Ilabas mo ang walanghiya mong asawa! Ilabas muna! Tinanggay ng hayop na iyon ang pera ko! Isang milyong piso ang tinangay saakin ng hayop na Paulo na iyon!"

Galit na galit ang lalaki at hinahanap nito si Paulo.

Hinawakan ng armadong lalaki ang buhok niya at sinabunutan ito.

"Sabihin mo sa asawa mo na ibalik ang perang inutang niya saakin, isang milyong piso ang tinangay ng hayop na iyon, dahil kung hindi niya maibabalik ang pera ko! Ikaw ang papatayin ko!" galit na galit ang mukha ng lalaking may pilat sa mukha, sa itsura nito ay kaya niyang gawin ang kanyang mga bata.

"Hindi ko alam kung nasaan siya! Kaya bitawan mo ko!" nananatiling nakahawak sa kanyang buhok ang armadong lalaki, at nang subukan niyang magpumiglas dito ay bigla nitong hinampas ang kanyang ulo sa lamesa.

"Ano ba! Sinabi nang bitawan niyo ko!"

Kahit puro dugo ang ulo ni Abby ay sinusubukan pa din niyang lumaban dito, naisip ni Abby na sipain ang maselang bahagi ng lalaki kung kaya't nabitawan siya nito.

Nagtangkang tumakbo si Abby palabas sa kanilang bahay upang takasan ang tatlong lalaki ng maabutan siya nito.

Hinawakan siya ng dalawang lalaki sa kanyang magkabilang braso habang ang lalaking may pilat sa mukha ay nakatayo sa kanyang harapan, puro dugo ang mukha ni Abby dahil sa sugat niya sa kanyang noo.

"Napakatapang pala ng asawa ni Paulo at bukod doon napakaganda pa! Siguro sapat kanang kabayaran sa utang niya saamin!"

Dinuraan naman ni Abby ang lalaki sa kanyang harap.

Dahil sa kanyang ginawa ay isang malakas na sampal ang binigay nito sa kanya.

" Hayop kang babae ka! "

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now