Kabanata 9

31.7K 458 11
                                    

Magkasama si Kiko at Cynthia sa tabing dagat, katulad ng dati ay ganito na ang madalas nilang gawin noong hindi pa nag pupunta si Kiko sa america.



"Kamusta naman ang buhay sa america?" Tanong ni Cynthia.




"Ayos naman!" Tipid na sagot ni Kiko.




"Kung gaanon Kiko matagal ka pang mamamalagi dito? "




Huminto sa paglalakad si Kiko at tumingin sa kaibigan.



"Hindi Cynthia, Uuwe ako sa manila, Sa bahay namin doon at pagkatapos ay babalik na ako sa america para asikasuhin ang negosyo ng pamilya ko."



Lumungkot ang mukha ng lalaki.



"Kiko, sabihin mo nga sakin, my problema kaba?"



Yumuko lang ang lalaki



"Two years ago Cynthia, nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang trahedya na nang yari kay Daddy, dahil sa sobrang stress ni mommy at dahil hindi niya kinaya ang nangyari kay Dad kaya pati ako iniwan na niya"




Niyakap ni Cynthia si Kiko at hinimas ang likod ng kaibigan.




"Nandito ko, nandito si Nanay, nandito kami para sayo, kami ang pamilya mo simula ngayon."





Habang magkayakap ang dalawa ay biglang may isang kamao ang dumapo sa mukha ni Kiko na dahilan para magkalas ng yakap ang dalawang magkaibigan at mapaupo sa buhangin si Kiko.




"Sino kang tarantado ka ah! Bakit mo niyayakap ang girlfriend ko?!"




Bulyaw ni Dan kay Kiko na ngayon ay nakaupo sa buhangin habang hawak ang pisngi na tinamaan ng suntok..



"Ano ba Dan!? Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko!"




Nagtatakbo si Cynthia papunta sa kinaroroonan ni Kiko at tinulungan itong makatayo.




Tumingin si Kiko kay Cynthia ng may pagtatanong,




"Cynthia? Boyfriend mo siya? "



Yumuko si Cynthia at tumango.



"Cynthia, Alam ba ni Nanay ito?!"



Umiling lang ang dalaga, ngunit nananatiling nakayuko pa din.




Bumuntong hininga lang si Kiko sa sagot ng kapatid-kapatiran..




"Cynthia, Kapatid mo siya?"




Pagtatanong muli ni Dan sa kanya na hanggang ngayon ay nandidilat pa din ang mga mata kay Kiko.




Tumingin si Cynthia sa kasintahan.



"Oo Dan, Kahit hindi kami magkadugo ay kapatid ang turing ko sa kanya, mag sorry ka sa kanya dahil mali ang ginawa mo!" Sagot ni Cynthia kay Dan ng may pagtataas ng boses.



"Hindi ako mag so-sorry! ayoko!" Sagot naman ni Dan.



"Dan, magsorry ka kay kiko!"



Pero tinalikuran lang siya ni Dan at tuluyan na silang iniwan na dalawa.



Ang magkaibigan naman ay nagkatinginan na lang..



"Anong klaseng lalaki yang boyfriend mo Cynthia, napakabastos!" Sabi ni Kiko.



"Pasensya kana Kiko."



My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now