Kabanata 14

28.4K 430 9
                                    

Inihahanda na ng Senior ang kasal ni Cynthia at ng kanyang anak na si Daniel, hndi pa man sumikisikat ang araw ay ipinahanda na ito ng Senior Frederico, Dahil buo na ang kanyang pasya na ikasal na ang kanyang anak dahil naniniwala ang Senior na mapapagbago ng batang nasa sinapupunan ni Cynthia ang kanyang anak na si Dan.


Habang masarap ang tulog ni Dan ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid, nagbibingi bingihan ang lalaki kahit na naririnig naman niya ito.

"Daniel! Daniel! Buksan mo ang pinto! Daniel!"

Matigas ang tinig ng kumakatok mula sa labas ng pintuan ng silid ni Dan,  at alam ni Dan na ang kanyang ama ang kumakatok kaya naman napilitan itong bumangon at pagbuksan ang kanyang ama.



Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang nakasimangot at nakasalubong na kilay ng kanyang ama.

"Daddy!"


Mahinang tawag ni Dan sa lalaki, na kakamot kamot pa ang ulo, At nakasuot pa din ang damit na suot nito kagabi,  hindi na nakapag palit pa ang binata bago matulog dahil sa sobrang kalasingan.


"Ano pa ang ginagawa mo?  Ayusin mo na ang sarili mo?!" nakakatakot ang boses ng kanyang ama.


"Para saan Dad? Ano ba ang okasyon ngayon?"  Pagtatakang tanong ni Dan sa Senior.


Napahinto pa ang pagkakamot nito sa ulo at namimilog ang mata sa labis na pagtataka.


"Maligo kana Dan,  Ayusin mo ang sarili mo at nag hihintay sayo ang mga taong mag aayos ngayon ang kasal niyo ni Cynthia nakalimutan mo naba? Napaayos ko na ang lahat kaya huwag mo na subukan pang umatras kung ayaw mong makalimutan ko na anak kita."  Sabay talikod nito sa anak na napatulala na nakatayo sa pintuan dahil sa mga sinabi ng kanyang ama sa kanya.



Lumapit si Dan sa kanyang higaan at umupo ito ng pabagsak na hindi pa din makapaniwala na ikakasal na siya ngayon, at tila napaka bilis ng pangyayari.


Napahiga muli si Dan sa higaan habang naka dipa ang dalawang kamay at biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari kagabi..


Nang maalala ang nangyari kagabi ay bigla na naman itong bumalikwas ng upo mula sa pagkakahiga.


"Pumunta ko kagabi sa bahay nila Cynthia  at sinabi ko na papakasalan ko siya! ginawa ko yun dahil sa mga sinabi sakin ni marice Tama! Tama!. Kaya naisipan na naman ni Dad ang mga kalokohan na to! Hindi ako pwedeng mag pakasal sa babae na yun!"


"Hindi!"  



Parang mababaliw si Dan habang hawak nito ang ulo ng dalawang kamay.


Agad itong tumayo at lumabas ng silid, nagulat siya dahil nakita niya na ang lahat ng mga kasambahay sa kanilang mansion ay abala sa pag liligpit at pag aayos ng mga desenyo. Dumaan sa harapan niya si Manang na may dala pang magagandang bulaklak na puti.



"Sir, congrats po!"  Bati sa kanya nito.


Pinahinto naman niya ang matanda sa paglalakad.


"ah manang itatanong ko lang. Pumunta naba dito si Cynthia?"


"Naku sir hindi pa, palagay ko po ay nandoon sa kanila,  sir namimiss niyo na agad ang mapapangasawa mo ah."  Biro pa ng matanda.



"Naku manang tumigil nga kayo." Asar na sagot ni Dan.


Mabilis naman na lumisan si Dan at pumunta sa kanyang sasakyan sa parking lot,  sumakay siya ng kanyang kotse at inistart ito, tapos ay pinaharurot niya ito palabas ng kanilang mansion.







My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now