Kabanata 52

32.1K 438 10
                                    

Habang nasa opisina si Daniel sa loob mismo ng hacienda at abala sa ilang mga dokumento ay napatingin siya sa diaryong nakapatong sa kanyang lamesa, nang tignan niya at basahin ang nakasulat dito ay nabago ang awra ng kanyang mukha.

"Kung ganoon. Bumagsak na ng tuluyan ang mga Sebastian?" sabi ni Daniel sa kanyang isipan.

Ayon sa balitang nakasulat sa diaryo ay ibinunyag ng pamilya Herrera ang ginawa nito kay Cynthia Herrera kung kaya't nagkaroon ng malaking epekto yun sa negosyo ng mga sebastian, nag atrasan ang iba nilang investors at hinahabol ngayon ng mga reporter si Marice Sebastian maging ang pamilya nito.


Dahil sa nasagap na balita ni Daniel ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kapatid na si Denver.

"Kuya, nabalitaan ko ang nangyari kay Marice at sa pamilya niya, ayon sa balita tayong mga Herrera ang sumisira sa pangalan ng kanilang pamilya, kung ganoon Kuya, ikaw ba ang may kagagawan ng lahat?" tanong ni Daniel sa kanyang kapatid mula sa kabilang linya.

Narinig naman niya na napabuga ng hangin si Denver bago mag salita.

"Oo ako nga, hindi lang si Paulo ang may kasalanan sa nangyari kay Cynthia, kasabwat niya si Marice kaya kailangan din niyang managot sa mga naging kasalanan niya." sabi ni Denver sa kabilang linya.

"Pero Kuya, pinatawad na ni Cynthia si Paulo at pinaatras na niya sakin ang demanda, ayaw na ni Cynthia nang ano mang gulo o eskandalo, ang gusto na lang ng asawa ko ay mag move on."

"Sorry Daniel pero huli na ang lahat, kumalat na ang balita at naapektuhan na ang negosyo ng pamilya ni Marice, bumagsak na ang mga sebastian." sabi naman ni Denver sa kabilang linya.

Pinutol ni Daniel ang pag-uusap nila ng kanyang kapatid at tila napaisip ang lalaki.

                ___________________________

Abala sa pag tatanim si Cynthia kasama ang mga trabahador ng Hacienda, hindi kasi kaya ni Cynthia na walang ginagawa sa lugar at nag eenjoy naman siya habang kakwentuhan niya ang mga mabubuting tauhan ng napakaganda at napakalawak na lugar.

Si Deric naman ay tinuturuan mangabayo ni Mang Ronald katulad ng madalas nitong gawin, at si Arthur pa din ang gamit nitong kabayo.

"Oh Senyorito Deric, saglit lang ha, babalik din ako agad, pupuntahan ko lang ang Nanay ni Arthur, titignan ko lang kung naisara ko ba ang pintuan niya."

"Sige po Mang Ronald, hintayin ko po kayo ha."

Umalis si Mang Ronald upang mag tungo sa kwadra ng mga kabayo at naiwan naman mag isa si Deric na nangangabayo.

Isang babae ang papalapit kay Deric, nang makita ito ng bata ay namilog agad ang mga mata nito, tila nasupresa sa babaeng papalapit.

"Tita Marice!!" Masayang hiyaw ng bata.

Bumaba pa ang bata mula sa maliit na kabayo at sinalubong nito ang babae.

Nang makalapit na ang babae kay Deric ay umupo ito sa harap ng bata para mag pantay sila.

"Sumama ka kay Tita Marice Deric, ipapasyal kita." Tugon ng babae na palinga linga sa paligid.

Ang mata naman ng bata ay kukurap kurap na nakatingin lang sa babae.

"Ano Deric let's go na?"

"Sorry Tita Marice, baka magalit po sakin si mommy, pwede po ba mag paalam muna ko sa kanila." Tugon ng bata..

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now