Kabanata 15

29.5K 413 4
                                    

Katatapos lang ng kasalang Cynthia at Daniel, lahat ng naging bisita ng kasal nila ay puro mga kabaryo lang nila, ngayon ay nasa reception na sila at kumakain na ang mga bisita, Si Dan at Cynthia naman ay magkatabi sa upuan ngunit makikita sa mukha ng mga ito na hindi sila masaya.




Kung titignan ang dalawa talagang bagay sila sa isa't isa,  Yun nga lang hindi naman pareho ang nararamdaman nila,  Si Cynthia lang ang nagmamahal samantalang si Dan naman ay nagmamahal ng iba..



Sa pagkakaupo ni Dan sa tabi ni Cynthia ay tumayo ito at lumapit sa kanyang ama, Si Senior Frederico. Bumulong si Dan sa ama.




"Dad, Aalis na ko!"




Bigla naman kumunot ang noo ng lalaki at tumingin sa anak..




"Saan ka pupunta Dan?" Mahina lang ang boses ng lalaki pero halatang nag init ang ulo nito sa anak niya..




"Dad, Naboboring na ko!  Kaya aalis na ko, sasama ko na lang si Cynthia para hindi na magtaka ang mga tao.




"No Daniel! may mga bisita pa na hindi dumadating at kailangan makita mo sila o makita ka nila , Naiintindihan mo ba ko Dan?!"  Matigas na boses ng lalaki. Sumagot naman si Dan.




"Okay Dad, wala naman akong magagawa diba?" Mahinahon na sagot nito.  




At muling bumalik ito sa upuan katabi ang kanyang asawa.




Tumingin naman sa kanya ang babae, na nakasuot pang kasal at talaga naman napaka ganda.



"Ano sinabi mo sa Dad mo?" Tanong nito na may halong sigla.



"Wala kang pakielam! nakalimutan mo naba ang kasunduan natin na wala kang pakiealam sa mga gagawin ko!"  Sagot ni Daniel na mahahalata ang labis na inis nito.



"Ang sungit mo naman."




Ilang oras ang nagtagal kahit na inip na inip na ang dalawa dahil sa haba ng seremonyas at kung ano ano pang ginagawa sa kanila na para kay Dan ay isa lamang kalokohan.




Habang masaya ang lahat sa araw ng kasal ni Cynthia at Daniel ay nahaginip ng paningin ng binata ang isang may edad na babae at may kasama itong lalaki, napatayo naman si Daniel sa kanyang kinauupuan at inaninag mabuti kung totoo nga ba ang kanyang nakikita.



"Mama!"




Agad na lumapit si Daniel sa babae sa pintuan, at agad yumakap sa babae.



"Mama kailan kapa dumating?"



Gumanti naman ng yakap ang babae sa kanyang anak na may tamis na ngiti sa labi.




"Kadadating ko lang anak. Dumeretso agad ako dito para makita ka at ang asawa mo, nasaan ba siya? Gusto ko siya makita at makilala.



Sakto naman biglang lumapit ang babae sa kanila at nag bless pa dito ang babae.




"Mano po."



Napangiti naman ang Mama ni Dan dahil sa inasal ni Cynthia sa kanya.



Bumaling muli ng tingin ang babae sa anak na si Daniel.



"Daniel, hindi lang maganda ang asawa mo, napakagalang din niya." Nangiwi naman si Daniel sa mga kumento ng kanyang ina.



"By the way Dan, kasama ko ang kuya mo, hindi mo man lang ba siya kakamustahin?" pag iiba nito sa usapan tapos ay napabaling si Daniel ng tingin sa lalaki.



My Devil Husband (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon