Kabanata 49

26.4K 409 12
                                    

Matapos nang pananatili ni Abby sa ospital ng halos dalawang linggo ay umuwi na siya sa bahay kung saan sila nakatira ni Paulo.

Inaalalayan siya ni Paulo sa kanyang paglalakad, mas pinili niya ang ilihim sa lalaki na bumalik na ang kanyang mga ala-ala.

"Abby, maupo ka muna diyan at mag hahanda lang ako ng hapunan natin ha." sabi ni Paulo sa kanya.

Bahagyang pag tango lang ang kanyang isinagot.

Habang abala si Paulo sa paghahanda sa lamesa ng pagkain ay tinitignan lamang siya ni Abby, nakikita ni Abby na masaya si Paulo, ngunit hindi niya nakakalimutan ang mga pananakit nito sa kanya.

Dumaan pa ang ilang araw ay nanatili si Abby sa kanilang bahay, nag pagaling at inaasikaso naman siya ni Paulo, inihahanda naman nito ang lahat ng kaniyang kailangan at hindi rin ito nagagalit sa kanya. sa mga nag daan na araw na maaksidente siya ay hindi siya iniwanan nito at hindi din ito nagalit sa kanya.

"Wag kana pumasok sa trabaho Abby, nakahanap na ko ng mapapasukan ko." Sabi ni Paulo kung kaya't napatingin sa kanya ang babae.

"Oo." tipid na sagot nito.

"Oh eto pa Abby, masarap iyan ako ang nag luto niyan para sayo, kumain ka ng kumain para lumakas ka." wika ni Paulo habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Abby.

"Bago ako umalis sa aking trabaho ay hayaan mo muna akong mag paalam ng maayos sa boss ko." sabi ni Abby na hindi man lang tumitingin kay Paulo.

Wala naman naisagot si Paulo kundi pag tango na lang, napapansin din niya si Abby na tila matamlay at hindi siya gaanong kinakausap nito, na mula ng maaksidente ito ay malaki na ang ipinag bago nito.

___________________________________________

Matapos ng ilang araw na pananatili ni Abby sa kanilang bahay ay bumalik siya sa hacienda, hindi upang mag paalam sa pag alis niya bilang trabahador ng nasabing lugar, ang pag babalik niya sa Hacienda Herera ay para sa kanyang anak.

Habang nag lalakad siya sa loob ng Hacienda ay nakita ni Abby ang batang lalaki na nakasakay sa maliit na kabayo, nang makita siya ng bata ay namilog ang mga mata nito.

"Mommy!"

Bumaba ang bata sa kabayo at tumakbo papunta kay Abby, si Abby naman ay sinalubong ng yakap ang kanyang anak.

Halos lumundag ang kanyang puso dahil sa napakasayang kanyang nararamdaman, dahil sa lumipas na ilang taon ay ngayon lamang niya muling nahagkan ang kanyang si Deric.

Kumalas ang bata sa kanyang yakap at kukurap-kurap ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

"Mommy sobrang namiss po kita, thank you po dahil iniligtas ninyo ako." Sabi ng bata.

Hinawakan ni Abby ang pisngi ng bata bago ito nag salita.

"Okay ka lang ba anak? kamusta na kana? nasaktan kaba?"

Umiling-iling naman ang bata.

"Hindi naman po Mommy!"

Halos hindi makapaniwala si Abby na nasa harapan na niya ngayon ang kanyang anak, matapos ang anim na taon ay nakita at nakasama niyang muli ang bata.

______________________________________________________

Nasa harapan ngayon si Paulo sa isang maliit na resort upang puntahan ang kanyang sadya dito, pag pasok niya sa resort ay nakita niya si Marice na nakatayo sa gilid ng isang pool, nakaswim suit ito at may hawak na kupita ng wine, habang pinag mamasdan niya ang babae ay nakita niyang balisa ito at hindi mapalagay, napabuga muna siya ng hangin bago niya lapitan ang babae.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now