Kabanata 28

29.6K 474 6
                                    

Nakauwi na si Marice at Dan sa bahay, napansin naman ni Dan ang katahimikan sa lugar, nakapatay ang lahat ng ilaw at tila walang tao.



Agad na nagpunta si Daniel sa kwarto kung saan natutulog ang asawa pero wala na doon si Cynthia at wala na din ang mga gamit nito.



Sinundan naman ni Marice si Dan at nakita ni Marice ang labis na pagaalala sa mukha ni Daniel, Napasandal pa ito sa pader at napahilamos sa mukha.



"Ano ba ang nangyayari sayo? Dahil lang sa isang maid nagaalala ka?" Sabi pa ni Marice na may halong pagkainis ang mukha.



"Umalis na si Cynthia, umalis na siya!" sabi ni Dan.



"So what kung umalis na siya? edi humanap na lang tayo ng ibang maid." tugon naman ni Marice.



Biglang lumabas ng bahay si Daniel at sobrang nagmamadali ito dahil sa pagaalalang baka umalis na nga ng maynila si Cynthia.



"Daniel! Daniel! saan kaba pupunta!?" sigaw ni Marice sa lalaki na hindi man lang siya nilingon nito.



Labis ang pagtataka ni Marice kung bakit ganoon na lang ang naging ugali ni Daniel nang umalis ang kanilang kasambahay.



Hinahanap ni Daniel si Cynthia sa maynila at kung saan ito maaaring magpunta, umaasa kasi siya na hindi pa nakakaalis si Cynthia sa lugar, ngunit hindi niya matagpuan ang kanyang asawa.



Tumawag na din siya sa Hacienda nila sa probinsya ngunit ang lahat ng makausap niya doon ay sinasabing wala pa doon ang babae.





Si Cynthia naman ay nasa isang department store dala ang mga bagahe niya dahil balak na niya talagang pumunta ng probinsya, pero bago siya mag tungo doon ay gusto muna niyang magpaalam sa lalaking naging kaibigan niya sa maynila. 



Hindi na niya tinawagan pa ang lalaki, hinintay na lang niya na dumating doon dahil alam niya na doon pumupunta ang lalaki pag labas ng school.



Mahigit isang oras siyang naghintay sa loob ng department store, hanggang isang lalaki ang pumasok doon at hindi nga siya nagkamali dumating si Paulo, mahina niyang tinawag ang pangalan ng lalaki na dahilan para mapalingon ito sa kanya..



"Paulo."



Lumapit naman si Paulo kay Cynthia, pero natahimik si Paulo ng mapatingin ang mga mata niya sa mga gamit na dala ng babae..

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now