Kabanata 27

28.3K 487 15
                                    

Natutulog na si Cynthia sa dating kwarto ng mga maid at si Marice naman ay mahimbing na natutulog sa kwarto nila ni Daniel.



Lumabas si Daniel sa kwarto kung saan kasama niya si Marice upang puntahan ang asawang natutulog na sa ibang kwarto, nilapitan ni Daniel ang asawa at umupo sa gilid ng kama nito, hinagod hagod ni Daniel ang noo ni Cynthia na dahilan para magising ito.



Napabalikwas naman ng upo si Cynthia ng makita ang asawa sa kanyang harapan.



"Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong ni Cynthia.



"Gusto ko lang malaman kung bakit ganoon ang sinabi mo kay Marice? bakit hindi mo sinabi ang totoo?" Tanong ni Daniel.



Humugot naman ng malalim na pag hinga si Cynthia at tumingin sa mga mata ni Daniel.



"Sinabi ko iyon dahil mahal kita."



Natigilan naman si Daniel sa sinabi ni Cynthia.




"Sinabi ko yun dahil mahal kita Daniel, sinabi ko iyon dahil alam ko ang totoo, alam ko ang lahat sainyo ni Marice, na siya ang totoong mahal mo kaya hindi mo ko magawang mahalin, alam ko din na siya lang ang makakapag pasaya sayo at hindi ako o ang magiging anak natin." Sunod sunod na sabi ni Cynthia, hindi na din mapigil pa ni Cynthia ang kanyang mga luha, tumulo iyon at gumapang sa kanyang pisngi na kitang kita naman ni Daniel.




Wala man sinabi na kahit na ano si Daniel matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Cynthia, tumayo ito sa pagkakaupo at lumabas na ng silid kung saan naroroon ang babae.






Sumapit na ang umaga, si Daniel at Marice ay nakaupo sa dining table upang kumain ng breakfast, habang si Cynthia naman ay abala sa pagluluto. 



"Yaya, baka gusto mo sumabay saamin mag breakfast?" tanong ni Marice kay Cynthia.




"hindi na po mam, hindi naman po ako dito kakain, sa labas na lang ako kakain." pag tanggi nito.



"Aa, okay." tipid na sagot ni Marice.




Ngunit bago pa makaalis si Cynthia ay biglang nagsalita si Dan para matigilan siya sa paglalakad..

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now