Kabanata 3

42K 623 4
                                    

Nakaugalian na ni Cynthia na sa tuwing gigising siya sa umaga ay pupunta siya sa poso sa harap ng kanilang bahay kubo, kukuha ng maliit na upuan at doon mag-hihilamos, habang kinukusot ang mukha ay bahagyang nakayuko ito kaya naman bahagyang nakalitaw ang kanyang maputi at makinis na dibdib.



Hindi naman alam ni Cynthia na sa hindi kalayuan sa kanya ay naroon ang binatang si Daniel na tila kanina pa siya pinagmamasdan.



"Ngayon ko lang nalaman na kapag tinititigan ka ay mas lalo kang gumaganda."



Natigilan naman si Cynthia ng makarinig siya ng boses ng isang lalaki kaya naman agad siyang napadilat at labis na nabigla ng makita niya ang binata na papalapit sa kanya, nakangiti habang nakapasok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon.



Napatayo naman si Cynthia mula sa kanyang pagkakaupo.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng dalaga kay Daniel habang namumula pa ang pisngi nito.



"Nandito ako para sayo." Sagot pa din ng lalaki habang dahan dahan itong lumalapit kay Cynthia.



Ramdam na ramdam ni Cynthia ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang dahan-dahan lumalapit sa kanya ang binata at siya naman ay umaatras dahan-dahan.



Nakikita ni Cynthia ang mainit na mata ni Daniel na nakatingin sa kanyang buong katawan habang siya ay umaatras, suot kasi ni Cynthia ang kulay puti at manipis na bistida na bahagyang basa dahil sa pag-hihilamos niya kanina kaya naman bumakat ang kanyang dibdib na tila umaagaw ng atensyon ni Daniel.



Sa sobrang nerbyos ni Cynthia ay natapakan niya ang isang madulas na party ng poso kaya naman siya ay nadulas at babagsak papahiga sa lupa.



Napapikit si Cynthia at hinihintay na sumakit ang kanyang likuran o hindi naman kaya ay mabasag ang kanyang bungo dahil mas nanaisin pa niyang ganoon ang mangyari kaysa makaharap niya si Daniel.



Ngunit hindi sumakit ang kanyang likuran at ulo katulad ng kanyang inaasahan, sa halip ang naramdaman ng dalaga ay matigas na braso na nakapulupot sa kanyang baiwang. Dahan dahan iminulat ni Cynthia ang kanyang mata at napatigagal ang dalaga ng makita ang mukha ng binata na malapit sa kanyang mukha, langhap na langhap ni Cynthia ang mainit at mabangong hininga ng binata, ngunit labis na ikinabigla ni Cynthia ng siilin siya ng halik ni Daniel, pakiramdam niya ay uminit ang kanyang katawan, ramdam niya ang malambot na labi ni Daniel na ngayon ay dahan-dahan ng gumagalaw habang nakadampi sa kanyang labi, hindi rin namalayan ni Cynthia na nilalabanan na pala niya ang mga halik na binibigay sa kanya ni Daniel.



Ngunit makalipas ang ilang minuto ay tila nagising si Cynthia sa kanyang kabaliwan, ikinalas niya ang kanyang labi sa labi ni Daniel at itinulak ito palayo sa kanya.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now