Kabanata 33

33.1K 546 9
                                    

Sumapit na ang umaga, nagising si Cynthia sa bisig ng kanyang asawa, dahan dahan niyang tinanggal ang braso ni Daniel na nakapulupot sa kanyang katawan pero agad itong naramdaman ng kanyang asawa kaya naman agad itong nagising.



"Saan ka pupunta?" agad na tanong ng lalaki..



"Maghahanda lang sana ako ng pagkain." Sagot ni Cynthia.



Umupo si Daniel mula sa pagkakahiga nito.



"Sabay na tayong lumabas." tugon ng lalaki.



Tumango naman bahagya si Cynthia sa nais ng kanyang asawa.



Habang pababa sila ng hagdan ay natigilan si Cynthia ng makita niya ang isang lalaking nakaupo sa kanilang sofa.



Mayamaya pa ay lumingon sa kanila ang may edad na lalaki.



"Daddy." mahinang sabi ni Daniel.



Tumayo ang Senior sa pagkakaupo nito at tinignan silang dalawa.



"Cynthia, maghanda kana at kailangan na natin umuwi ng probinsya." Sabi pa ng Senior matapos nito tignan ang anak na si Daniel.



Pero mabilis na kinuha ni Dan ang kamay ni Cynthia at hinatak papunta sa likuran niya ang babae.



"No Dad! Hindi ako papayag na kunin mo sakin ang asawa ko!" 



Tila nagalit naman ang Senior sa mga sinabi ni Daniel kaya agad na naman niyang napagtaasan ng boses ang kanyang anak.



"hoy! Tarantado ka ha! may anak si Cynthia at mas kailangan ng bata ang nanay niya! wala ka naman maibibigay na magandang buhay sa asawa at anak mo ang lakas pa ng loob mo magsalita ng ganyan sakin! bakit kapag binigay ko sayo si Cynthia at ang bata saan ka kukuha ng ibubuhay mo sakanila? hindi ba't saakin ka din naman aasa?!" sunod sunod na sabi ng Senior sa anak nitong si Daniel.



"Hindi ako papayag Dad na ilayo mo sakin ang pamilya ko!" pag tataas din ng boses ni Daniel sa kanyang ama.



Si Cynthia naman ay puno ng pag aalala habang naririnig ang usapan ng mag-ama.



"Maraming beses kitang binigyan ng pagkakataon para magbago pero paulit-ulit mo kong binibigo!"

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now