Kabanata 13

30.1K 455 11
                                    

Pagkaalis ni Senior Frederico ay nagkatinginan si Dan at Cynthia dahil sa mga banta na sinabi niya sa kanyang anak, lumapit si Dan kay Cynthia at agad itong hinawakan sa magkabilang balikat ng mahigpit, Inuga uga pa ito, Napakasakit ng pagkakahawak ng lalaki, mangiyak ngiyak si Cynthia sa ginagawa ni Dan sa kanya.



"Kasalanan mo ang lahat ng ito Cynthia! Ngayon gumawa ka ng paraan para hindi ituloy ni Dad ang plano niya satin, ayokong matali sayo, ayokong ikasal sa babaeng hindi ko mahal!" Nang gagalaitisa galit si Daniel habang nakatingin siya sa mata ng dalaga.




Habang sinasabi ni Dan ang mga salitang yun kay Cynthia, biglang tumulo ang luha nito, hindi dahil sa masakit ang pagkakahawak ni Dan sa kanyang balikat, Kundi sa sakit ng mga sinabi nito, alam ni Cynthia na hindi siya mahal ni Dan, Pero masakit pala kapag halos isampal na sayo ang salitang yun.




Mahal niya si Dan, at ang tanga niya dahil noon ay naniwala siya sa sinabi ng binata na mahal din siya nito, at ngayon maliwanag na sa kanya ang lahat na hindi siya mahal talaga ni Dan, na pinag laruan lang ng binata ang damdamin niya.




Pero kahit alam na niya na hindi siya mahal ni Daniel, yung pag mamahal niya sa lalaki ang nangingibabaw, Kaya para sa kaligayahan nito ay gagawin niya ang lahat kahit siya na ang agrabyado o kahit siya pa ang masaktan.




"Cynthia! Gumawa ka ng paraan. Ayokong magpakasal, Ayoko Cynthia. Ayoko! Ayokong matali sa isang tulad mo!" Habang sinasabi ni Daniel yun ay nananatiling nakahawak ang kamay ng binata sa balikat ni Cynthia at dahil sa nararamdaman galit nito ay lalong humihigpit ang pag hawak nito.



Sunod sunod ang pagpatak ng luha ni Cynthia sa mga sinasabi ng lalaki sa kanya, napayuko na lang siya habang nakahawak pa din sa kanyang balikat ang mabibigat na kamay ni Dan.



"Oo! gagawin ko! Sasabihin ko sa Daddy mo, makikiusap ako sa kanya."



Mahina lamang ang pagkakasabi ni Cynthia noon kay Dan, pero mararamdaman mo ang kalungkutan at sakit na nararamdaman nito.




Binitawan ni Dan ang balikat ng babae, nilagpasan na lamang ni Dan si Cynthia at iniwan na lamang itong nag iisa na nakatingin sa lalaki habang papalayo ito.




Sa pagsulyap ni Cynthia kay Dan habang papalayo itong naglalakad, ay ang pagdating naman ng kanyang ina.



"Anak!"



Mahina lamang ang tawag ng kanyang ina, ngunit narinig niya ito at dahilan para siya ay mapalingon sa kanyang likuran.



"Nanay"



Nanlaki ang mata ni Cynthia na agad tumakbo papalapit sa ina upang yakapin ito.



Ginantihan naman siya ng yakap ng kanyang ina, At hinimas pa ang kanyang ulo.



"Tama na ang pag titiis anak."



Lalo naman napaiyak ng sobra sa sinabi ng kanyang ina.



"Nanay! patawarin mo, Nanay sorry, Sorry nanay. Sorry po talaga."



Paulit ulit na sabi ni Cynthia habang nananatiling nakayakap sa kanyang ina.



"Hsh. Tahan na anak! wag kana umiyak, nandito lang si nanay, mahal na mahal kita Cynthia, anak ko!"



Ngunit wala pa din tigil sa pag himas sa ulo ng kanyang anak.


"Umuwi na tayo sa bahay, magpahinga kana, ayokong may mangyari pang masama sayo at sa magiging apo ko, kung malungkot ka sigurado ay nalulungkot din siya."



My Devil Husband (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon