Kabanata 2

54K 809 5
                                    

Hawak ni Cynthia ang isang magandang dress, sa kauna-unahang pagkakataon ay makakapagsuot siya ng napakagandang damit na gustong gustong sinusuot ng isang babae. Isang seksing seksi na dress na hulmang hulma ang hugis ng kanyang katawan, at habang suot niya ang napakagandang damit at lumulutang ang kanyang kagandahan. Gagamitin ni Cynthia ang damit na yun sa pag-diriwang sa Hacieda Herera kung saan lahat sila sa baryo ay imbitado.



"Cynthia, napakaganda mo, manang-mana ka talaga saakin." wika ng kanyang ina habang nakatingin ito sa kanya.



Nagbigay ng magandang ngiti si Cynthia sa pag-puri sa kanya ng kanyang ina. "maraming salamat po nanay." Sambit ni Cynthia.




Dumating na ang oras upang magpunta na ang mag-inang Cynthia at Aunor sa Hacienda, maging ang kanilang mga kabaryo ay nag puntahan din, habang abala ang lahat sa pakikiisa sa party ay naisip ng dalaga na mag-lakad lakad sa Hacienda hanggang sa mapunta siya sa Garden nito at bumungad sa kanya ang magandang ayos nito. Halos kumislap ang mata ng dalaga dahil sa ganda ng paligid, hindi mapigil ng dalaga na mapangiti dahil sa ganda ng kanyang nakikita, lalo tuloy lumalabas ang ganda at amo ng kanyang mukha.




Ngunit natigilan ang dalaga ng marinig niya ang boses ng isang lalaki. "Maganda ba ang Garden na ito?" wika ng lalaki.




Napatingin naman ang dalaga sa ngayon ay papalapit ng lalaki.




"Magandang gabi po Senior." wika ni Cynthia.




"Mabuti naman at nakarating kayo sa aking imbitasyon Hija, kasama mo ba ang nanay mo?" Dagdag pa ng may edad na lalaki.




"Opo, kasama ko po si Inay ngunit iniwan ko po siya doon sa party kasama ang mga kapit-bahay namin at ibang mag-sasaka, gusto ko po muna kasing maglakad-lakad." Sunod sunod na sabi ng dalaga sa Senior.




"Ganoon ba Hija, maiba ako, napakaganda mo ngayon gabi." pamumuri sa kanya ng May edad na lalaki.




Napangiti naman si Cynthia sa Senior. "Maraming salamat po." pasasalamat ni Cynthia sa pag puri sa kanya.




Natigilan si Cynthia at Senior ng bigla na lang may nag-salita na stage kung kaya't nagpaalam na ang Senior sa dalaga.




"I think Hija magsisimula na ang party, mauuna na ako sayo." Sabi ng Senior kay Cynthia.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now