Kabanata 20

29.5K 468 9
                                    

Pumasok si Dan sa isang bar, dito kasi sila mag kikita ng kaibigan niyang si Paulo.


Luminga linga muna siya sa magulong lugar ngunit agad naman niyang nakita ang kanyang kaibigan kaya agad siyang lumapit dito.



"Bro, kamusta?" Bati agad ni Dan sa kaibigan.



"Ikaw Bro ang dapat kong tanungin kung okay ka lang? I'm sure na sobrang stress ka." Wika naman ni Paulo..


Bigla naman nag karoon ng pag tatanong ang mukha ni Dan sa kaibigan.


"Bakit bro? May problema ba? May dapat ba kong alalahanin?" Sunod sunod na tanong ni Dan..



"So wala ka talagang alam bro? Hindi mo talaga alam na nag propose na ang Kuya Denver mo kay Marice?" Sabi ni Paulo.


"Tinanggap ba niya?" Mahinang tanong ni Dan.


Napabuga naman ng hangin si Paulo.


"Oo bro, tinanggap ni Marice ang alok na kasal ng kuya mo."


Namilog naman ang mata ni Dan sa sinabi ng kaibigan.


"Totoo ba ang sinasabi mo!!? " Matigas na tanong ni Dan.


"Oo bro, pero bago sila makasal ay kailangan muna matapos ng kapatid mo ang huling taon niya sa pag'aaral kaya may pagkakataon kapa para mapigilan yun." Wika ni Paulo.



Tumungga muna ng alak si Dan bago muling magsalita.


"May problema pare, ayoko man na makasal ang kapatid ko kay Marice ay mahihirapan akong gawin yun." Paliwanag ni Dan.



Bigla naman nag taka si Paulo sa sinabi ni Dan.


"Pero ano ang pumipigil sayo?" tanong ni Paulo.


Bumaling ng tingin si Daniel sa kaibigan niya.


"Dahil kasal na ko, may asawa na ko."

Bigla naman namilog ang mata ni Paulo sa labis na pagkabigla.


"Totoo ba ang sinasabi mo!? Hindi kaba nag bibiro? Kailan pa?! bakit parang biglaan?!" Sunod sunod na tanong ni Paulo kay Dan na halos hindi makapaniwala.



"Totoo yun Paulo, totoo ang sinasabi ko, mag dadalawang buwan na din mula ng ikasal ako."



"Pero Daniel paano si Marice? Hindi ba't siya ang mahal mo? Bakit bigla kang nag pakasal sa iba?"



Napabuga naman ng hangin si Daniel at tila bakas sa mukha ng lalaki ang balita na mag papakasal ang kanyang kapatid at si Marice.



"Don't worry Paulo, alam ng babae na yun na hindi ko siya mahal, alam naman niya na pinilit lang ako ni Dad na pakasalan ko siya, at dahil sa sinabi mo, mas dapat ko ng hiwalayan ngayon ang babae na yun dahil hinding hindi ako papayag na maipakasal si Kuya Denver sa babaeng mahal ko."



Kinuha ni Dan ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang babae.


"Marice pwede ba kitang makausap?" Mahinahon na sabi ni Dan sa babae nang sagutin nito ang tawag sa kabilang linya.


"Oh bakit tumawag ka na naman? ano na naman ang kailangan mo?" Inis na sabi ni Marice.



"Gusto ko lang sana kamustahin ka Marice."


"Pwede ba Daniel tigilan muna ko, wag kana makikipag usap o tatawag sakin! Isa kang malaking problema sa buhay ko! alam mo naman na kahit kailan hindi kita kayang mahalin." Tapos ay bigla na lang naputol ang tawag.



My Devil Husband (SPG) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora