Kabanata 45

26.1K 381 4
                                    

"Oh my gosh Daniel, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kamukha niya ang asawa mo, at hindi lang basta kamukha, kamukhang kamukha niya talaga, habang tinitignan ko nga kanina na yakap niya si Deric talagang ang nasa isip ko ay siya si Cynthia e."

Pari't parito ang Senyora habang hawak nito ang kupita na may laman na wine, hindi magawang kumalma ng ginang dahil sa nakita niya kanina sa birthday party ng kanyang apo.

"Sa totoo lang Mama, nung una kong makita si Abby ay talagang inakala kong siya si Cynthia, nakuha ko pa siyang yakapin, pero pinag pipilitan niya na siya si Abby." kwento naman ni Daniel sa kanyang ina.

"Mommy! Mommy!"

Nagkatinginan si Senyora at Daniel ng marinig nila ang boses ng anak mula sa silid nito, hindi naman nag dalawang isip pa si Daniel ng agad niyang puntahan ang kanyang anak.

Nang pasukin niya ang bata sa kwarto nito ay nakita niyang nakapikit ang mata nito ngunit sumisigaw at umiiyak, sa kanyang palagay ay nananaginip ang kanyang anak.

"Deric!"

"Wake up anak!"

Nagising naman ang bata at nang makita niya ang kanyang ama na nakaupo sa kanyang tabi ay agad niya itong niyakap.

"Daddy!"

Ginantihan naman ni Daniel ng yakap ang kanyang anak.

"Daddy nasaan po ang Mommy ko?" biglang ng tanong ng bata sa kanya.

Hindi naman malaman ni Daniel kung ano ang isasagot niya sa kanyang anak, mula kasi ng ipakilala ni Abby ang kanyang sarili bilang ina ng bata ay palagi na siya nitong hinahanap-hanap, hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag kay Deric na hindi si Abby ang kanyang ina.


_________________________________________

Matapos ang buong araw na pag tatrabaho ay nakauwi na sa waka si Abby sa kanilang bahay, pag pasok niya sa loob ng kanilang bahay ay napansin niyang walang tao at wala ang kanyang asawa na si Paulo.

"Paulo!"

Hinanap ni Abby si Paulo sa kanilang bahay ngunit wala ang lalaki.

"Paulo nandito na ako!"

Tingin ni Abby ay umalis ang kanyang asawa ngunit hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin, kumuha si Abby ng gamot dahil masama ang kanyang pakiramdam, kanina pa din niya nararamdaman na sumasakit ang kanyang ulo, matapos niyang uminom ng gamot ay pumasok siya sa kanilang silid at nahiga upang makapag pahinga na, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay naaalala niya si Daniel at ang batang si Deric, na kung bakit sa tuwing makakaharap niya ang dalawa ay may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang puso.


Sa malalim na pag iisip ni Abby ay hindi niya namalayan na siya pala ay nakatulog.


"Hindi kita mahal!"

"Hindi kita mahal dahil iba ang babaeng mahal ko at hindi ikaw yun!"

"Lagi mo tatandaan! hindi kita mahal!"

Napadilat ang mata ni Abby ng marinig na naman niya sa kanyang panaginip ang boses ng isang lalaki na paulit-ulit sinasabi ang isang salita sa kanya, ngunit naramdaman niya na may dahan-dahan pumapasok sa pintuan ng kanyang silid kung saan siya nakahiga.

Bagama't nakatalikod siya sa pintuan ay hindi niya alam kung sino ang pumasok sa kwarto, napaharap na lamang siya ng biglang hawakan nito ang kanyang dibdib, at pag harap niya ay nakita niya ang kanyang asawa.

"Paulo!" 

Napaupo si Abby sa higaan mula sa kanyang pagkakahiga dahil sa nagulat ito.

Pag tingin niya sa lalaki ay madilim ang mukha nito at seryoso.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now