Kabanata 39

26.6K 570 12
                                    

Matapos mag bihis ni Dan ay tumingin muna ito sa litrato ng asawa niya na si Cynthia.


"Mahal, ipapasyal ko muna si Deric ha." Kung kausapin niya ang picture ng asawa ay para itong buhay pa.


Ngayon kasi ang oras na ipinangako niya sa anak na si Deric na pupunta sila mall upang ipasyal ang bata.


Lumabas si Daniel sa kwarto nila at bumaba na ng hagdanan, nakita niya si Deric na nakaupo sa sofa at may kausap na babae, hindi niya mapag-sino ang kausap ng kanyang anak dahil nakatalikod ito sa kanya.


Pilit sinisipat ni Daniel kung sino ang kausap ng kanyang anak, pamilyar ang babae kahit na nakatalikod pa ito sa kanya.


"Daddy!" sigaw ng bata nang makita siya nito, tumakbo sa kanya ang kanyang anak.


Umupo si Daniel sa harap ng bata upang matapatan ito.


"Deric sino ang kausap mo?" mahinahong tanong niya sa bata.


"Daddy si Tita Marice po." sagot naman ng bata.


Nang sagutin ni Deric ang kanyang tanong ay tumayo ito at nilagpasan ang bata, lumapit ito sa babae na tumayo na din sa sofa mula sa pagkakaupo nito.


Nang makalapit si Daniel kay Marice ay agad na kinuha ni Dan ang braso ng babae, nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin dito, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Marice kung kaya't maging ang babae ay takot na takot sa lalaking kaharap niya.


"Daniel nasasaktan ako!" sabi ni Marice.


"Bakit nandito ka?!!! Bakit mo nilalapitan ang anak ko?!"


"aaa- Daniel bitawan mo ko!" Sabi ng babae na tila nasasaktan dahil sa higpit ng hawak sa kanya ni Dan.


Nanlilisik ang mga mata ni Daniel na nakatingin sa mukha ng babaeng tila takot na takot..


"Daddy huwag mo saktan si Tita Marice!" sigaw ng bata.


Nagtatakbo ang bata palapit sa kanila at yumakap ito sa binti ng babae na dahilan para mabitawan nito ang braso ni Marice.


"Daddy!"


"Deric! pumasok ka sa kwarto!" mahina lang ang pagkakasabi ni Dan sa anak ngunit matigas at galit ang boses nito.


Ang bata naman ay nakayakap pa din sa babae at iiling iling lang na nakatingin sa ama.


"Deric sinabi kong pumasok ka sa kwarto!!!!" sigaw ni Dan sa bata na dahilan para bumitaw ito sa pagkakayakap kay Marice at magtatakbo paakyat na hagdan patungo sa kanilang kwarto..


"Umalis kana dito Marice! ayokong masaktan kita at makita pa ng anak ko."


My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now