Kabanata 51

30.5K 458 12
                                    

Nakatayo lamang si Cynthia sa veranda ng hacienda at nakatingin sa malayo, at tila malalim ang kanyang iniisip.


Matapos ng lahat ng paliwanag sa kanya ng kanyang asawa at mga kwento ni Deric sa kanya ay natauhan siya sa katotohanan at hindi rin nagtagal ay bumalik ang lahat sa kanyang ala-ala. kahit na marami ang nangyari sa kanila makalipas ang ilang taon at kahit na matagal din siyang nalayo sa kanyang mag-ama ay hindi pa din nawawala ang pag mamahal niya sa lalaki, pero kahit mag kakasama na ulit sila ay nandoon pa din ang lungkot sa kanyang puso dahil pag-iisip niya sa lalaking nakasama niya at nag layo sa kanya sa kanyang pamilya.


Hindi maintindihan ni Cynthia kung bakit hindi niya makuha magalit kay Paulo kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kanya.


"Ano iniisip mo mahal kong asawa?" Boses ng lalaki na padating.

lumingon naman si Cynthia sa kanyang likod at nakita niya ang kanyang mahal na si Dan..

Tumingin si Cynthia sa mga mata ng asawa niya pag tapos ay nagsalita na ito, hawak pa niya ang kamay ng lalaki.

"nagawa ko na ang gusto mo." tugon ni Daniel.

Napabuga naman ng hangin si Cynthia at muling dumungaw sa veranda. pinagmamasdan niya ang laki at ang ganda ng buong hacienda.

"salamat."

Muling lumapit si Daniel sa babae at niyakap ito mula sa likuran ng babae.

"Katulad ng sinabi mo ay inurong ko na ang demanda kay Paulo, ginawa ko iyon hindi para sa kanya, ginawa ko iyon dahil iyon ang kahilingan mo." sabi ni Daniel sa asawa nito.

"masama ang ginawa ni Paulo ngunit naiintindihan ko siya, dahil napakahirap mag mahal ng taong may minamahal nang iba, ang tanging pagkakamali lamang niya ay naging makasarili siya, gusto kong mabigyan ng pagkakataon si Paulo na makahanap ng taong mamahalin niya at mamahalin din siya, dahil naniniwala akong magbabago pa siya." wika ni Cynthia sa kanyang asawang nananatiling nakayakap sa kanya.

Bumaling ng tingin si Cynthia kay Daniel.

"Maaari mo ba kong pag bigyan na sa huling pagkakataon ay makausap ko siya? Pwede mo ba akong samahan?" hiling ni Cynthia sa asawa nito.

Bagama't napipilitan si Daniel sa hiling ni Cynthia sa kanya ay pumayag pa din ito at pinag bigyan ang asawa.




NAKASAKAY na ang mag asawang Cynthia at Daniel patungo sa ospital kung nasaan si Paulo at nagpapagaling, nagkaroon kasi ng tama ng baril si Paulo sa kanyang baiwang at mabuti na lamang ay hindi siya napuruhan ni Daniel nang huli silang magkaharap.

Nang marating nila ang ospital ay mag-isang pumasok si Cynthia sa loob ng silid kung nasaan si Paulo, naabutan ni Cynthia na nakahiga sa hospital bed ang lalaki at nag-iisa, nakatingin lang ito sa bintana na tila may malalim na iniisip.

Bago nagsalita si Cynthia ay napaghawak niya ang kanyang dalawang kamay.

"Paulo!" mahinahong tawag niya sa pangalan ng lalaki.

Dahan-dahan naman pumihit ang ulo ni Paulo paharap sa kanya.

"Cynthia!"

Nang makita siya ng lalaki ay pinilit nitong umupo mula sa pagkakahiga kahit na nahihirapan ito.

"Cynthia!" muling pag tawag nito sa kanyang pangalan.

Ngunit ang mga mata ni Cynthia ay diretso lang ang tingin kay Paulo.

My Devil Husband (SPG) Where stories live. Discover now